Biliran

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Matatagpuan sa rehiyon ng Silangang Visayas ang pulong lalawigan ng Biliran, isa sa mga pinakamaliit na lalawigan sa Filipinas. Ilang kilometro lamang ang Biliran sa pulo ng Leyte. Naval ang kabisera ng Biliran, na dating bahagi ng Lalawigan ng Leyte hanggang ito ay maging ganap na lalawigan noong 1992.


Binubuo ng 8 munisipalidad ang Biliran. Lahat ng munisipalidad ng Biliran maliban sa Maripipi ay matatagpuan sa pulo ng Biliran samantalang ang Maripipi ay pulong munisipalidad na matatagpuan sa hilagang-kanluran.

Mga Munisipalidad

  • Almeria
  • Biliran
  • Cabucgayan
  • Caibiran
  • Culaba
  • Kawayan
  • Maripipi
  • Naval

Sanggunian


Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.