Bibingka

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang bibingka (Ingles: rice cake) ay isang uri ng mamon na gawa mula sa malagkit na bigas o galapong at gatas ng buko.[1] Isa rin itong pagkaing meryenda sa Goa, Indiya, ang bebinca, na ang ginagamit na mga sangkap ay harina, langis na ghee, asukal, at gata, at hindi nawawala sa anumang handaang katulad ng pagsilang, kasal, Pasko o Pasko ng Pagkabuhay. Niluluto ito sa isang hurnuhang yari sa putik, pinaiinitan ng nagbabagang uling na nakapatong sa ibabaw ng lutuin. Iniihaw ito nang patung-patong. Karaniwan na ang may 16 na mga patong. Bilang tanyag na pagkain sa Pilipinas, karaniwan naman itong ginagamitan ng galapong, at ang paghuhurno ay katulad ng sa pagluluto ng bebinca ng Indiya, ngunit bago ihain ay pinapahiran muna ito ng mantekilya o margarina (mantekilyang gawa sa niyog) at binubudburan ng asukal. Isinisilbi ito na may kasamang ginadgad na niyog.

Ang pangalang bebinca ay ginamit ring pangalan para sa isang bagyo ng Sistema ng Pandaigdigang Panahon (International Weather System).

Paghahanda

Resipi ng bibingkang Indiya:[2]

  • 200 gramo ng maida (puting harina)
  • 500 gramo asukal
  • 1 tasa gata (makapal)
  • 200 gramo ng ghee o mantika

Pinaghahalu-halo ang maida, asukal, at gatas ng niyog. Hinahalo ng mabuti ang mga sangkap hanggang sa matunaw ang asukal; idinadagdag ang pulbos ng nutmeg at itinatabi. Nagpapainit kaunting mantika o ghee sa isang kawali at ibubuhos ang isang tasa ng mga pinaghalong sangkap. Pinababayaang maluto ito hanggang sa maging kulay ginto. Pagkatapos ay nagdaragdag uli ng isang kutsarita ng mantika at isa pa uling tasa ng pinaghinalong mga sangkap. Inuulit ang pagluluto hanggang sa maubos na ang mga inihandang sangkap. Itinutuwad ang bibingka matapos na maluto at pinalalamig bago ihain. Karaniwang niluluto ang bibingka na ginagamitan ng mababang antas na init lamang.[2]

Pinakamalaking Bibingka sa Bansa

Noong 12 Mayo 2011, niluto ng mga residente ng Mandaue sa Cebu ang pinakamalaking bibingka sa bansa. Binuo ito ng 6,000 na maliliit na mga bibingka. May sukat itong 182 metro kwadrado, at may diameter na 50 talampakan at may kapal na tatlong pulgada. Kinailangan ng 50 sako ng malagkit na bigas, 50 sako ng asukal, at gata na nagmula sa 13,500 niyog. Bigo naman itong mabasag ang pinakamalaking rice cake ng South Korea na naitala noong 2007.[3][4]

Sanggunian

  1. Lacquian, Eleanor at Irene Sobreviñas (1977). "Bibingka". Filipino Cooking Here & Abroad (Lutuing Pilipino Dito at sa Labas ng Bansa).
  2. 2.0 2.1 Resipi ng Mamong Bibingka (Bebinca Cake) mula sa MassRecipes.com
  3. "Cebu's biggest bibingka hopes to break world record," ABSCBN News. Hinango noong 09 Marso 2021.
  4. "Largest rice cake," Guinness World Records. Hinango noong 09 Marso 2021.

Pagkilala

Wikipedia.png Hinango sa Wikipedia ang nilalaman ng pahinang ito na nagmula sa Bibingka. Ang talaan ng mga may-akda ay makikita sa pahina-kasaysayan. Kahalintulad ng Wikipedia, binibigyang-pahintulot ng WikiFilipino ang muling paggamit at pakikinabang sa mga nilalaman nito sa ilalim ng GNU Free Documentation License. Basahin ang kumpletong pagtatanggi/pagtatatwa.