Berkelyo

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang berkelyo o berkelyum (Ingles: berkelium) ay isang sintetiko at trans-uranikong elementong kimikal na may siyam na mga isotopo. Mayroon itong sagisag na Bk, atomikong bilang na 97 at balensiyang 3 o 4. Mayroon din itong bilang ng masang magmula 243 magpahanggang 250, at ang kalahating mga buhay na magmula 3 oras magpahanggang 1,380 mga taon. Natuklasan ito nina Glenn T. Seaborg, Albert Ghiorso, Stanley G. Thompson, at Kenneth Street, Jr. sa Pamantasan ng California, Berkeley noong Disyembre 1949.