Berilyo

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang berilyo o berilyum (Ingles: beryllium, may sagisag na Be) ay isang elemento at metal na may katibayan sa init, korosyon, at kalawang. Natuklasan ito ni Louis Nicolas Vauquelin noong 1798. Ginagamit ang elementong ito para sa paggawa ng mga balangkas ng mga eruplano at ng mga sasakyang pangkalawakan, sa bila ng mga replektor sa nga reaktor na nukleyar. Kapag inihalo sa tanso, ginagamit ito bilang kontaktong elektrikal at ispring o muwelye. Kabilang sa mga katangian nito ang pagkakaroon ng atomikong bilang na 4, atomikong timbang na 9.0122, punto ng pagkatunaw na 1,278 °C, punto ng pagkulong 2,970 °C, espesipikong grabidad na 1.848, at balensya na 2.