Benjie Paras

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si Venacio "Benjie" Johnson Paras, Jr. ay isang aktor at beteranong manlalaro ng basketbol sa bansa. Tinagurian siyang "The Tower Power" Philippine Basketball Association o PBA. Siya din ang kauna-unahang Filipino na napili bilang Most Valuabe Player o MVP at Rookie of the Year sa isang season ng PBA noong 1989.

Dugong Isko

Ipanangak si Paras noong ika-2 ng Oktubre 1968. Siya ay nagtapos ng kanyang sekondaryang pag-aaral sa San Beda High School. Napasok siya sa University of the Philippines o UP Figthing Maroons, isang kupunan ng basketbol sa UP, at tinalaga sa sentrong posisyon.

Natalo ng kupunan ang University of the East o UE Red Warriors ng kanilang pangalawang kampiyona sa University Atlethics Association of the Philippines o UAAP.

Ang Tore ng PBA

Naglaro muna sa Philippine Amateur Basketball League o PABL si Paras sa kupunan ng Philip Sardines at di kalaunay nasabak sa PBA noong 1989.

Napunta siya sa kupunan ng Shell Turbo Chargers at tinaguriang "Tore."

Sa kanyang karera sa basketbol nagkamit ng mga karangal si Paras kabilang na dito ang pagiging miyembro ng Mythical Five ng PBA ng limang beses at dalawang MVP sa PBA All-Star Game.

Mundo ng Komedya

Nagtapos ang 14 na taong karera ni Paras sa PBA noong 2003.

Ngayon ay isa na siya sa mga beteranong aktor sa komedya at bumibida sa mga palabas sa telebisyon gaya ng Lupin, Kamandag, Boy Next Door, Fantastic Man, Encantadia at marami pang iba.

Kasama din siya sa mga palabas na komedya sa telebisyon gaya ng Kool ka lang, Naks at Lagot ka... Isusumbong kita. At napasama sa mga pelikulang My Bestfriend's Girlfriend, Resiklo, Exodus, at Last Two Minutes.

Mga Panlabas na Kawing

Mga Sanggunian