Benjamin Santos

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si Benjamin S. Santos (1946 - ) ay isang Pilipinong imbentor ng BENSAN Zero-Waste Process na kung saan ito ay binigyang parangal ng World Intellectual Property Organization Gold Medal Award noong 1994.

Personal na Buhay

Si Benjamin ay nagtapos ng kanyang M.S. in Engineering-Kemikal sa Unibersidad ng Pilipinas noong 1966. Hindi pa siya nakuntento doon at muling nag-aral para sa kanyang pangalawang Master's Degree sa pareho pa ring kurso sa North Carolina State University (Unibersidad ng North Carolina). Dito na rin niya tinapos ang kanyang Ph.D. (doctorate degree). Nakapagturo siya sa FEU Chemical Engineering Department at nakapagtrabaho rin sa Texaco Oil Company sa Estados Unidos. Habang siya ay nasa Texaco, kung saan ang kanilang kompanya ay naghuhukay ng mga mina na pinanggagalingan ng mga langis, napagtuunan ni Benjamin ang kahalagahan ng langis. Natayo ay gumagamit ng langis na nagdudulot sa ating mundo ng katulad ng ginagawa ng isang panlabang nukleyar. Tinawag niyang BENSAN Zero-Water Process ang kanyang III naimbento. Nire-recycle niya ang mga nagamit na langis upang wala nang matira pang basura (solid waste). Mas mababa ang halaga nito ng halos kalahati kumpara sa karaniwang ginagamit. Marami ang nagkagusto dito kaya't isang pasilidad sa Kamaynilaan at mga taga-Sydney, Australia ang inaasahang gagamit nito. Mayroon na rin siyang kausap na taga-Oman at Hong Kong na gustong humingi ng lisensya upang magamit ang kanyang imbensyon.

Sanggunian

  • Ben Santos, (...) "the inventor of the "zero oil waste recycling." (...), TXTMania.com

Pagkilala

Wikipedia.png Hinango sa Wikipedia ang nilalaman ng pahinang ito na nagmula sa Benjamin Santos. Ang talaan ng mga may-akda ay makikita sa pahina-kasaysayan. Kahalintulad ng Wikipedia, binibigyang-pahintulot ng WikiFilipino ang muling paggamit at pakikinabang sa mga nilalaman nito sa ilalim ng GNU Free Documentation License. Basahin ang kumpletong pagtatanggi/pagtatatwa.