Benedicto R. Cabrera

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si Benedicto Reyes Cabrera o mas kilala bilang Bencab, ay isang pintor at Pambansang Alagad ng Sining sa Sining Biswal na kilala hindi lamang dito sa Pilipinas ngunit maging sa ibang bansa. Makikita sa kaniyang mga obra ang masining niyang pagsasalarawan ng mga panlipunang isyu, lalong-lalo na ang tungkol sa mga Pilipino, nasaan man silang panig ng mundo.

Buhay

Ipinanganak siya noong 10 Abril 1942 at bunso sa siyam na anak nina Democrito Cabrera at Isabel Reyes.

Kumuha siya ng fine arts sa Unibersidad ng Pilipinas mula 1959 hanggang 1963. Una siyang nagtrabaho bilang ilustrador sa Sunday Times Magazine ng Manila Times (1965-1968) bago siya hinimok nina Virgilio Aviado, Marciano Galang at Alfredo Liongoren na maging isang full-time na pintor.

Ang Aleman na pintor na si Kathe Kollwitz ang siyang naging pinakamalaking impluwensiya kay Bencab sa kaniyang mga pinta tungkol sa mga pulubi, manggagawa at pati na rin sa tema na mother-and-child.

Nagkaroon siya ng una niyang eksibisyon ng kaniyang mga obra sa Indigo Gallery sa Ermita, Maynila noong 1960. Pagkatapos nito, nagkaroon pa siya ng ilang pagtatanghal sa London, New York, Macau at ilang bansa sa Europa. Habang nasa Europa, sumali siya sa ilang mga Philippine Art Shows tulad ng: Six Artistes Contemporains Philippines en Europe sa Paris; Philippine Printmakers sa Royal Festival Hall sa London; Philippine Graphic Art Exhibition sa Munich; at ang 8th Biennale Internationale de Arts sa Valparaiso, Chile.

Ilang mga Gawa

  • Waiting for the Monsoon, 1986
  • The Indifference, 1988
  • People Waiting, 1989
  • Madonna with Objects, 1991
  • Studies of Sabel, dyptych, 1991
  • Cordillera

Parangal at Gantimpala

  • Ikalawang gantimpala para sa Blue Serenity, 1962 Shell National Students Art Competition
  • Unang gantimpala, UP Painting Competition, 1963
  • Unang gantimpala, Yero; ikalawang gantimpala, Manok; at ikatlong karangalang banggit, Pader, mula sa Art Association of the Philippines, 1967
  • Thirteen Artists Award, Cultural Center of the Philippines, 1970
  • Kalinangan Cultural Award for Painting, 1988
  • Gawad CCP Para sa Sining, 1992
  • Most Outstanding Kapampangan For Arts and Culture (Painting) Award, mula kay President Ramos, 1994
  • ASEAN Achievement Award for Visual and Performing Arts, 5th ASEAN Achievement Awards, Jakarta, 1997
  • Outstanding Citizen of Baguio Award for Arts, mula sa punong-alkalde ng Baguio, 1997
  • Pambansang Alagad ng Sining, 2006

Panlabas na Kawing

Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.