Bella Angeles Abangan

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si Bella Angeles Abangan ang manunulat ng kilalang pitak na "Lakbay-Diwa." Isa rin siyang guro at pilantropo.

Edukasyon

Nag-aral ng hayskul si Abangan sa Victorino Mapa High School sa Lungsod Maynila. Mula 1948 hanggang 1949 ay sumulat siya ng pitak para sa The Mapazette. Habang nag-aaral sa Philippine Normal University (PNU) ay naging katuwang na patnugot siya ng The Torch at tagapamahalang patnugot ng The Yearbook. Natanggap niya ang kanyang Elementary Teacher's Certificate mula sa PNU noong 1951.

Noong 1952 ay kumuha si Abangan ng kursong edukasyon sa Unibersidad ng Santo Tomas (UST). Mula 1954 hanggang 1958 ay naging bahagi siya ng The Varsitarian, kung saan ay naging patnugot siya ng seksyong Filipino at nagsulat ng pitak na "Yeso't Pisara."

Natapos ni Abangan ang kanyang masterado sa Filipino sa UST noong 1970 nang may markang meritissimus (excellent). Makalipas ang apat na taon ay natapos niya ang kanyang kursong doktoral sa nasabi ring unibersidad nang may markang benemeritus (very good).

Karera

Bilang Manunulat

Ayon kay Abangan, naging interesado siya sa pagsusulat dahil sa mga kwentong ibinahagi sa kanya ng kanyang lola noong bata pa siya. Lalong sumidhi ang kanyang interes sa larangan ng pagsusulat nang maging bahagi siya ng mga pahayagang pampaaralan habang siya ay nasa hayskul at kolehiyo.

Nakilala si Abangan bilang manunulat ng mga lathalaing inspirasyunal at kaugnay sa mga pagpapahalaga. Isa ang kanyang pitak na "Lakbay-Diwa" sa Tempo sa mga pinakamatagal nang nailalathalang pitak sa wikang Filipino. Noong 1986 ay nalimbag ang isang aklat na naglalaman ng piling mga lathalaing lumabas sa kanyang pitak. Nasundan ito ng ilan pang aklat kung saan tinipon ang kanyang sumunod na mga akda.

Bukod sa "Lakbay-Diwa" ay mayroon pang ibang mga pitak si Abangan. Ito ang advice column na "Dear Heart" sa Tempo at "Maganda ang Buhay" sa Balita. Nagsusulat din siya para sa magasing Liwayway. Nagsulat din siya ng aklat tungkol sa mga pahayagang pampaaralan at maging sa pangangalaga sa mga bata.

Bilang Guro

Siyam na taong nagturo si Abangan sa Mataas na Paaralang Ramon Magsaysay at labindalawang taon naman sa Mababang Paaralang Legarda. Labing-isang taon naman siyang nagturo ng mga asignatura tungkol sa midya at komunikasyon sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila.

Mula 1987 hanggang 1990 ay nagsilbi si Abangan bilang superintendent ng division of city shools ng Lungsod Maynila.

Mga Parangal

Bilang Guro

  • First Diamond Award for Education mula sa UST Graduate School Alumni Association (1988)

Bilang Manunulat

Gawain sa Iba pang Larangan

Bukod sa pagiging manunulat at guro, isa ring pilantropo si Abangan. Noong 1986 ay ginawang niyang bahay-silungan ng 20 batang walang tirahan ang ikatlong palapag ng kanyang bahay. Pinangalanan niya itong Lakbay-Diwa Orphanage.

Panlabas na Kawing

Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.

Bella Angeles Abangan Bella Angeles Abangan Bella Angeles Abangan