Belen

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang Belen ay isa sa mahahalaga at prominenteng simbolo ng Kapaskuhan sa Pilipinas. Ito ay ang isang creche o eksena sa Belen (Natividad) na nagpapakita ng eksena ng kapanganakan ni Hesus, katabi ang amang si Santo Jose at inang Birheng Maria. Ang pagdispley nito sa mga kabahayan o sa mga establisamiyento ay nagpapatibay sa pananalig ng mga Katoliko sa kanilang pananampalataya at nagsisilbing sagisag ng kahalagahan ng kapanganakan ni Hesus, ang Tagapagligtas.

Kasaysayan

Ayon sa kasyasayan ng Belen, si St. Francis of Assissi ang nagpakilala sa three-dimensional nativity scene o tinatawag natin ngayon na belen. Ayon sa kaniyang manunulat ng biograph na si Thomas, si Assissi ay unang gumawa ng sabsaban na gawa sa dayami upang magsilbing altar para sa misang Pamasko. Noong 1223, humingi siya ng tulong sa kaniyang kaibigan na si Giovanni Velita na gumawa ng belen sa isang kweba malapit sa Greccio kung saan siya ay nagdadaos ng misang Pamasko. Mula noon, ang paggawa ng belen ay unti-unting lumaganap at naging tradisyon na sa mga Katoliko at Protestanteng bansa tulad ng Italya, Pransiya, Poland, España, Mexico at iba pang mga bansa sa Gitnang Amerika. Sa Pilipinas, ang tradisyon na ito at ipinakilala at ipinalaganap ng mga Kastilang Pransiskano

Mga Uri

Malimit ay ito'y isang pinaliit na replika ng nasabing eksena, ngunit may ilan naman na gumagawa ng makatotohanang anyo nito at inilalagak sa hardin, sa loob o labas ng mga simbahan, sa mga eskuwelahan, at kahit na saan mang establisamiyento bilang kanilang Pamaskong dekorasyon.

Tulad ng parol, sari-sari at kakaibang mga disenyo, hugis at materyal na para sa belen ang makikita ngayon. Ginagamitan ito madlas ng mga ilaw, parol at backdrop o iginuhit na tagpo o kapaligiran sa telon upang mabigyang diin ang kapaligiran o kapanahunan ng eksena sa dula. Ang iba ay hindi lamang sina Birheng Maria, Santo Jose at ang bagong panganak na si Hesus ang makikita sa ibang belen kundi pati na rin ang Tatlong Hari, mga pastol, mga anghel at iba pang mga hayop na nasa sabsaban nang ipinanganak si Hesus.

Ibang Katatagpuan

Noong 2003, isang sikat na belen na makikita sa dating gusali ng COD sa Cubao, Lungsod Quezon ang inilipat sa Greenhills Shopping Center, Lungsod San Juan. Kilala ang belen na ito dahil sa natatanging aliw na naidudulot nito sa mga manonood na pinaiintig ng mga makukulay na ilaw, tunog sa presentasyon, at ang salaysay na ikinukwento habang kumikilos ang mga estatwa. Gumagamit sila ng mga automatons upang mapagalaw ang mga estatwa ng pataas, pababa, paatras o patalikod man. Taon-taon, binabago ng may-ari at organizers ang tema ng palabas tulad ng paglalakbay ni Santa Claus, ang pagkakaroon ng malinis na kapaligiran ngayong Kapaskuhan, at iba pa.

Makikita naman ang belen museum sa Lungsod Marikina na may mahigit isang daang belen.

Ang Tarlac naman na kilala bilang "Belen Capital of the Philippines" ay nagdadaos ng kanilang taunang "Belenismo sa Tarlac" o ang paligsahan sa paggawa ng belen. Tulad ng mga parol sa Pampanga, mga dambuhalang belen ang kanilang nililikha na may iba't-ibang disenyo at tema. Ang mga ito ay idididsply sa labas ng mga bahay o di kaya ay sa labas ng mga establisamiyento sa buong panahono ng Kapaskuhan.

Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.