Be Careful with My Heart

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang Be Careful With My Heart (BCWMH) ay isang teleserye ng ABS-CBN na ipinalalabas sa PrimeTanghali bago mag-It's Showtime. Pinangungunahan ito nina Jodi Sta. Maria at Richard Yap sa kanilang unang pagtatambal.

Ito ang unang drama sa telebisyon sa Pilipinas na kinunan at ipinalabas gamit ang high definition na kamera. Sina Jeffrey Jeturian at Mervyn Brodnial ang mga direktor ng teleserye.


Istorya

Tungkol ito sa simpleng babaeng si Maya Dela Rosa (Jodi Sta. Maria) na dapat sana'y mangingibang-bansa para tuparin ang pangarap na maging flight stewardess para tulungan ang kanyang pamilya. Lingid sa kanyang kaalaman, nabiktima pala siya ng ilegal na rekruter at hindi pala totoong ipadadala siya sa ibang bansa. Naiwan siya sa Maynila nang walang kapera-pera at walang mapupuntahan. Hanggang sa bigyan siya ng trabaho ng mayaman at balong si Richard Lim (Richard Yap) para maging yaya ng kanyang bunsong anak na si Abigail o Abby (Mutya Orquia).

Tinanggap ni Maya ang trabaho at inilihim sa kanyang pamilya sa San Nicolas ang kanyang sitwasyon sa takot na mag-alala ang kanyang ina. Sa kanyang pagpasok sa Pamilya Lim, mabubuo ang isang masayang pamilya na pinalungkot noon ng pagkamatay ng matriyarka ng tahanan.


Mga Nagsisipagganap

Pangunahing Tauhan

  • Jodi Sta. Maria bilang Maya Dela Rosa
  • Richard Yap bilang Richard "Sir Chief/Ricardo" Lim
  • Mutya Orquia bilang Abigail Ruth "Abby" Lim
  • Janella Salvador bilang Nikki Grace Lim
  • Jerome Ponce bilang Luke Andrew Lim

Pangalawang Tauhan

  • Aiza Seguerra bilang Cristina Rose "Kute" Dela Rosa
  • Sylvia Sanchez bilang Teresita Dela Rosa
  • Gloria Sevilla bilang Manang Fe
  • JM Ibañez bilang Pocholo "Cho" Dela Rosa
  • Divina Valencia bilang Conchita "Mamang" Dela Rosa
  • Rosario "Tart" Carlos bilang Doris
  • Vivieka Vivieka bilang Sabel
  • Micah Muñoz bilang Jomary "Joma"
  • Paul Jake Castillo bilang Simon
  • Tom Rodriguez bilang Jeff Macavinta
  • Assunta De Rossi bilang Katrina "Ina" Ruiz
  • Kalila Aguilos bilang Liza
  • Johan Santos bilang Wilson de Juan
  • Luis Manzano bilang James Luis Ventura
  • Marlo Mortel bilang Angelo Niccolo Cortez
  • Claire Ruiz bilang Joey
  • Marc Carlos De Leon bilang Inigo
  • Vandolph Quizon as Lino
  • Nathan Lopez bilang Emman
  • Robert Ortega bilang Fred
  • Ya Chang bilang Engineer Yamaguchi
  • Jerico Redrico bilang Lloyd
  • Maricar Reyes bilang Rafaella "Rafi" Alcantara
  • Edward Mendez bilang Charlie Ramirez
  • Dionne Monsanto bilang Teacher Emy
  • Sunshine Garcia bilang Stephanie
  • Noel Trinidad bilang Don Roberto
  • Marissa Delgado bilang Donya Esmeralda
  • Nick Lizaso bilang Don Julio Demornay
  • Jed Montero bilang Teacher May Anne
  • Sunshine Cruz bilang Alexandra "Alex" Lim
  • Ping Medina bilang batang Arturo
  • Beauty Gonzales bilang batang Teresita


Pagtanggap ng Publiko

Naging maganda ang pagtanggap ng mga manonood sa teleseryeng Be Careful With My Heart. Nakakuha ito ng household rating na 15.2% sa unang paglabas nito noong Hulyo 2012 at natalo ang kasabay na programa ng GMA na Chef Boy Logro: Kusina Master na nakakuha lamang ng 8.8% (batay sa Kantanar Media).

Patuloy na nangunguna sa mga programa sa araw ang Be Careful at nauungusan din nito maging ang mga teleserye sa Primetime.

Positibo rin ang naging pananaw ng mga manonood sa BCWMY dahil sa “good vibes” at mga magagandang asal na ipinaparating nito, lalo ang pagpapahalaga sa pamilya. Sinasabing ito ang kauna-unahang soap opera sa telebisyong Pilipino na walang kontrabida.

Mula Hulyo hanggang Disyembre ng 2012, nakakuha ito ng kabuuang 22.7% na rating mula sa Kantanar Media. At dahil sa popularidad ng sinasabing “kilig-serye” naiulat na interesadong bilhin ng isang istasyon sa Malaysia ang karapatan para maipalabas sa kanilang bansa ang Be Careful...

Nakatanggap din ng pagkilala ang teleserye mula sa Anak TV Awards noong Diysmebre 2012. Kasama ang BCWMH sa sampung “most well-liked” na programa sa telebisyon, at nabigyan din ng “Makabata Stars” sina Jodi Sta. Maria at Richard Yap.

Dahil sa mataas na ratings at magandang sinasabi ng mga manonood tungkol sa teleserye, pinahaba pa ito hanggang sa kalagitnaan ng taong 2013.

Sanggunian


Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.