Bayaning 3rd World (1999)
Ang Bayaning Third World ay isang pelikulang Pilipino sa direksyon ni Mike de Leon. Siniyasat ng pelikulang ito ang kabayanihan ng pambansang bayani ng Pilipinas na si Jose Rizal. Layunin ng pelikula na maaantig ang damdamin ng bawat Pilipino na suriing muli ang kanilang pananaw hindi lamang sa nasyonalismo at makabagong tao maging ang kanilang posisyon at kaugalian sa pagsamba ng bayani, paglikha ng mito, at pambabathala.
Director: | Mike de Leon |
---|---|
Music: | Lorrie Ilustre |
Starring: | Ricky Davao Joel Torre Cris Villanueva Cherry Pie Picache Rio Locsin |
Distributor : | Star Cinema ABS-CBN Film Productions Inc. |
Cinematography : | Ding Achacoso |
Editing : | Armando Jarlego |
Released: | 1999 |
Country: | Philippines |
Language: | English Tagalog Filipino |
Distributor: | Philippines |
Awards: | Gawad Urian: Pinakamahusay na Pelikula |
Buod
Iniayon ang buong pelikula sa panahong kinabibilangan ni Rizal. Layunin nito na siyasatin ang buhay ni Rizal habang sinusuri ang impluwensiya nito sa modernong mamamayang Pilipino sa pamamagitan ng mga tauhan. Pinapakita nito ang pagyakap ng isang pambansang simbolo sa kulturang Pilipino sa halip na ang katotohanan sa likod ng mito. Hinaluan din ang pelikula ng mga pag-aaral sa mga sinulat ni Rizal tulad ng kaniyang liham ng retraksyon. Inihain din sa pelikula ang mga tanong na “Sumulat at lumagda nga ba si Rizal ng liham ng retraksyon na bumabawi sa lahat ng kaniyang sinabi at umanib ng muli sa simbahang Katolika?”; “Ikinasal nga ba sila ng kanyang katipan na si Josephine Bracken?”; at “'Kinain nga ba niya ang lahat ng kaniyang sinabi para lamang pakasalan si Josephine Bracken?” Sa pagwawakas ng pelikula, matapos pag-aralan ang lahat ng dokumento at maghanap ng mga patunay ukol sa misteryo ng mga liham ni Rizal, matutuklasan ng dalawang filmmaker na ang pagtuklas sa ultimatong katotohanan sa alamat ay isang layuning hindi maaaring maisakatuparan.
Mga tauhan
- Joel Torre bilang Jose Rizal
- Ricky Davao bilang filmmaker
- Cris Villanueva bilang filmmaker
- Ed Rocha bilang Padre Balaguer
- Cherry Pie Picache bilang Narcisa
- Rio Locsin bilang Trining
- Lara Fabregas bilang Josephine Bracken
- Joonee Gamboa bilang Paciano
- Daria Ramirez bilang Donya Lolay
Mga tao sa likod ng pelikula
- Mike de Leon – Direktor
- Ding Achacoso – Sinematograpiya
- Armando Jarlego - Editor
- Lorie Ilustre – Musika
- Mike de Leon – Prodyuser
- Wilson Tieng – Ehekutibong Prodyuser
- Roy Lachica – Disenyo ng Produksiyo
Mga parangal
Ang mga sumusunod ay ang mga parangal na nakamit at naihalal para sa pelikulang Bayaning Third World:
Taon | Kategorya | Parangal | Resulta |
---|---|---|---|
2001 | Best Achievement in Cinematography and Visual Design | Young Critics Circle Award | Nakamit |
2001 | Best Achievement in Film Editing | Young Critics Circle Award | Nakamit |
2001 | Best Achievement in Sound and Aural Orchestration | Young Critics Circle Award | Nakamit |
2001 | Pinakamahusay na Pelikula | Young Critics Circle Award | Nakamit |
2001 | Pinakamahusay na Pagganap | Young Critics Circle Award | Nominado |
2001 | Pinakamahusay na Dulang Pampelikula | FAMAS Award | Nominado |
2001 | Pinakamahusay na Istorya | FAMAS Award | Nominado |
2001 | Pinakamahusay na Pelikula | FAP Award | Nominado |
2000 | Pinakamahusay na Sinematograpiya | Gawad Urian Award | Nakamit |
2000 | Pinakamahusay na Direksiyon | Gawad Urian Award | Nakamit |
2000 | Piankamahusay na Musika | Gawad Urian Award | Nakamit |
2000 | Pinakamahusay na Pelikula | Gawad Urian Award | Nakamit |
2000 | Pinakamahusay na Tunog | Gawad Urian Award | Nakamit |
2000 | Pinakamahusay na Pangalawang Aktor | Gawad Urian Award | Nakamit |
2000 | Pinakamahusay na Pangunahing Aktor | Gawad Urian Award | Nominado |
2000 | Pinakamahusay na Editing | Gawad Urian Award | Nominado |
2000 | Pinakamahusay na Disenyong Pamproduksyon | Gawad Urian Award | Nominado |
2000 | Pinakamahusay na Dulang Pampelikula | Gawad Urian Award | Nominado |
2000 | Pinakamahusay na Pangalawang Aktor | Gawad Urian Award | Nominado |