Bayanihan E-Konsulta

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang Bayanihan E-Konsulta ay proyekto ng Tanggapan ng Pangalawang Pangulo sa pangunguna ni Pangalawang Pangulong Leni Robredo. Ito ay inilunsad noong 6 Abril 2021 na layuning mabigyan ng libreng serbisyong medical ang mga outpatient cases sa National Capital Region at sa mga karatig na lugar na nasa ilalim ng Enhanced Community Quarantine, lalo na ang mga Pilipinong itinuturing na nasa laylayan ng lipunan na walang akses sa mga doktor o sa anumang telecommunication platforms. Boluntaryong tumutulong dito ang mga doktor at mga health professional.

Ang Bayanihan E-Konsulta ay isang hakbangin upang suportahan ang mga ospital at mga frontliner sa panahon ng pakikipagtunggali sa lumalalang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Bilang suporta rin sa mga pasyenteng nagpositibo sa COVID-19 na nagpakonsulta sa Bayanihan E-Konsulta, nagpapadala ang Tanggapan ng Pangalawang Pangulo ng “care packages” na naglalaman ng thermometer, pulse oximeter, medical supplies, mga gamot at bitamina, faces masks, disinfectant, at monitoring sheet para magabayan ang pasyente. Ang nilalaman ng bawat care package ay ayon na rin sa mga rekomendasyon ng mga kinonsultang doktor ng tanggapan.

Sanggunian

https://www.facebook.com/OVPBayanihanEKonsulta/about/. Accessed 18 Agosto 2021.

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.