Bawang

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search
Bawang (Allium sativum)

Ang Bawang o (allium sativum) ay isa sa mga pinakakilalang halamang-gamot sa Pilipinas. Dahil sa antibacterial compound ng bawang na may katawagang Allicin, maraming buhay ang nasagip sa impeksyon na dala ng sugat. Kinilala ang bawang bilang nature's antibiotic dahil sa mga naitalang pag-aaral kung saan ipinakita ang abilidad ng bawang sa pagpapababa ng kolesterol sa dugo.

Matapos ang puspusang pag-aaral at pananaliksik, pinagtibay ng Departamento ng Kalusugan ang pagtataguyod sa bawang bilang isa sa sampung nangungunang halaman na pinagkukunan ng gamot na nakagagaling at inirerekomenda ang paggamit nito bilang alternatibong halamang-gamot.

Ang Nagagawa Ng Bawang

  • Mahusay para sa puso
  • Tumutulong sa pagpapababa ng bad cholesterol levels {LDL)
  • Tumutulong sa pagpapababa ng presyon ng dugo
  • Lunas para sa arteriosclerosis
  • Maaaring makatulong sa paggamot ng ilang uri ng kanser
  • Katulong ng immune system upang malabanan ang impeksyon
  • May kemikal na pangontra sa oksidasyon
  • Gamot para sa sipon at ubo
  • Pinapahupa ang pamamaga ng lalamunan at sakit ng ngipin
  • Tumutulong sa paggamot ng tuberculosis
  • May sustansyang kontra sa pamumuo ng dugo
  • Gamot para sa Tinea Flava, barber's itch at athlete's foot
  • Gamot para sa rayuma at pamamaga ng kasu-kasuan

Paghahanda at Paraan ng Paggamot

  • Para sa Tinea Flava, barber's itch at athlete's foot, magbayo ng kinakailangang dami ng btil ng sariwang bawang. Ipahid sa apektadong bahagi ng balat, dalawang beses isang araw
  • Para sa di-gaanong pagtaas ng presyon ng dugo, igisa ang mga butil ng bawang, itago sa bote at isara nang mahigpit. Kumain ng dalawang piraso sa almusal, tanghalian at hapunan
  • Para sa pamamaga ng kasu-kasuan at rayuma, magbayo ng kinakailnagang butil, painitan nang bahagya. Gawing panapal sa gabi kung saan may masakit na bahagi
  • Para sa sakit ng ngipin, magbayo ng isang maliit na butil ng sariwang bawang. Isingit sa butas ng masakit na ngipin. Kapag masakit pa, palitan ang isinigit na bawang tuwing ikalawang oras.
  • Upang mapatay ang mikrobyo, dikdikin ang bawang, pigain ang katas nito at ilagay sa sugat. Maaari ding lagyan ng benda pagkatapos

Sanggunian

  • The Family Health Guide.Department of Health. Commission on Population. Population Center Foundation: 1987
  • Philippine Herbal Medicine. (hinango noong Abril 21, 2008).

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.