Barangay Theatre Guild

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang Barangay Theatre Guild (BTG) ay itinatag noong 1 Marso 1939 ng mag-asawang Lamberto V. Avellana at Daisy Hontiveros-Avellana na kapuwa Pambansang Alagad ng Sining ngayon sa larangan ng pelikula at teatro. Ang BTG ay binubuo ng mga aktor, arkitekto, eskultor, mananayaw, manunulat, musiko, pintor, at propesor. Nakapagtanghal agad ng tatlong dula ang pangkat sa entablado at telebisyon, matapos maipundar. Kabilang sa ipinalabas ng BTG ang Othello (1953), Macbeth in Black (1959), at A Portrait of the Artist as Filipino (1950). Nang mapanood minsan ni Carlos P. Romulo na pangulo noon ng Filippine Films ang dula ng BTG ay hinikayat nito si Lamberto Avellana na sumubok magdirek ng pelikula.==Pagkilala==

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.

Barangay Theatre Guild Barangay Theatre Guild Barangay Theatre Guild Barangay Theatre Guild Barangay Theatre Guild