Bank of the Philippine Islands

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Template:Infobox Company

Ang Bangko ng Kapuluang Pilipinas (Ingles: Bank of the Philippine Islands; dinadaglat bilang BPI)[1] ay ang pinakamatandang bangko sa Pilipinas na bukas pa para sa operasyon at ang ikatlong pinakamalaking bangko sa Pilipinas, kasunod ng Metrobank at Banco de Oro. Ang nagmamay-ari ng bangkong ay ang Ayala Corporation at nakabase ito sa Sentrong Distrito ng Pangangalakal ng Lungsod ng Makati, sa panulukan ng Abenida Ayala at Paseo de Roxas.

Pinakamatandang bangko rin sa buong Timog-silangang Asya ang BPI at mayroong mahaba at natatanging kasaysayang sumasakop sa mahigit na isang dantaon. Ito ay naimpluwensiyahan o malaki ang naging impluwensiya ng ibang mga bansa, kasama na ang ilang dating nasasakop ng Imperyong Espanyol, lalo na ng Mehiko, at nang Estados Unidos.

Nauna rin ang BPI sa konsepto ng pagbabangko para sa mga magsasaka (rural banking) sa Pilipinas, dahil ang mga operasyon ng BPI sa ganung operasyon ay nauna sa buong Pilipinas, bago nagkaroon ng mga bangko para sa ganung uri ng kliyente, tulad ng Land Bank of the Philippines. Sa kasalukuyan, mayroong 831 na sangay ang BPI, at marami sa mga sangay na ito ay galing sa panahon ng mga Kastila o ng mga Amerikano. Ito ay isa sa mga pinamalaking kabalagan (network) ng mga sangay ng buong industriya.

Nakakuha na ang bangko ng maraming gawad galing sa mga magasing pang-pananalapi, tulad ng Euromoney at ng Far Eastern Economic Review. Ang pinakabagong gawad na nakuha ng BPI ay para sa pinakamagaling na bangko noong 2005.

Sanggunian

Mga kawing panlabas

Pagkilala

Wikipedia.png Hinango sa Wikipedia ang nilalaman ng pahinang ito na nagmula sa Bank of the Philippine Islands. Ang talaan ng mga may-akda ay makikita sa pahina-kasaysayan. Kahalintulad ng Wikipedia, binibigyang-pahintulot ng WikiFilipino ang muling paggamit at pakikinabang sa mga nilalaman nito sa ilalim ng GNU Free Documentation License. Basahin ang kumpletong pagtatanggi/pagtatatwa.