Balota

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang balota ay kagamitan, kalimitang papel, na ginagamit sa pagboto at sa pagbibilang ng boto. [1] Ito ay nagmula sa salitang Italyano na ballotta, nangangahulugang “maliit na bola,” na tumutukoy naman sa mga bolang ginto at pilak na ginagamit sa pagboto noong Edad Medya sa Venice. [2]

Halalan 2022

Ang Komisyon sa Halalan ay may opisyal na balota na ginagamit tuwing halalan. Ayon sa Omnibus Election Code - Article XVI, kailangang magkakatulad sa sukat at kulay ang opisyal na balota na gagamitin sa pambansa at panglokal na halalan. [3] Noong 19 Abril 2022, opisyal nang sinimulan ng Komisyon ang pagpapadala ng 67,442,616 balota mula sa kanilang bodega sa Lungsod Pasig tungo sa iba’t ibang presinto sa bansa. [4]

Ang opisyal na balota para sa Halalan 2022 ay kinasusulatan ng 10 pangalan ng mga kandidato sa pagkapangulo at siyam na pangalan ng mga kandidato sa pagkapangalawang pangulo. Kasunod nito ang bahagi para sa mga kumakandidato sa kani-kanilang lalawigan, distrito, lungsod, o municipalidad. Nakatala rin dito ang pangalan ng 64 kandidato sa pagkasenador at 177 party-list group. Gayunman, mapapansin na patlang ang Blg. 96 sa ilalim ng Party-list na dapat ay sa Malasakit Movement Party-list na kinatawan ng tagapagsalita ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na si Celine Pialago. Hindi na ito napabilang dahil sa kabiguan nitong makapagpasa ng mga kailangang dokumento. [5] [6]

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.
  1. “Balota.” https://diksiyonaryo.ph/search/balota. Accessed 27 Abril 2022.
  2. “The History of Ballot.” https://www.merriam-webster.com/words-at-play/word-history-of-ballot. Accessed 27 Abril 2022.
  3. “Omnibus Election Code - Article XVI.”https://comelec.gov.ph/index.html?r=References/RelatedLaws/OmnibusElectionCode/OECArt16. Accessed 27 Abril 2022.
  4. Danilo Garcia. “Pamamahagi ng mga opisyal na balota, sinimulan na.” Pilipino Star Ngayon, 20 Abril 2022. https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/metro/2022/04/20/2175362/pamamahagi-ng-mga-opisyal-na-balota-sinimulan-na. Accessed 27 Abril 2022.
  5. John Eric Mendoza. “LOOK: Comelec releases ballot face for 2022 elections.” Inquirer.net, 25 Enero 2022.https://newsinfo.inquirer.net/1544770/look-comelec-releases-ballot-face-for-2022-elections. Accessed 27 Abril 2022.
  6. “2022 NLE Ballot Face Template.” https://comelec.gov.ph/?r=2022NLE/BallotFaceTemplates. Accessed 27 Abril 2022.