Balisong
Balisong ang isang uri ng patalim na naititiklop ang puluhan na nagsisilbi ring kaluban ng talim. Malimit gamitin ito ng mga Batangueño na nagpatanyag din dito. Ipinangalan ito sa Baryo Balisong na isang nayon sa bayan ng Taal sa Batangas dahil doon ginagawa at ibinebenta ang sari-saring uri ng balisong. Sinasabing ito ang bersiyon ng Swiss knife ng Pilipinas, dahil sa dami nang maaaring gamit dito—panghiwa, pantilad, pambukas ng de-lata, pantanggal ng tansan sa bote, pangkayas ng kawayan, pang-ahit, at iba pa. Kahit maraming gamit o silbi ang balisong, ipinagbabawal pa rin ng awtoridad ang pagdadala nito dahil maaari itong makapanakit o makamatay, gaya ng ginagawa ng masasamang loob. Ngunit sa kamay ng matwid na tao, ang balisong ay nagiging sining kapag ginamit nang kapaki-pakinabang sa anumang bagay.
Saggunian
- Traditional Filipino Weapons. (Hinango noong 15 Nobyembre 2007).
Pagkilala
![]() |
Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi. |