Balikbayan Box

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Kapag binanggit ang “balikbayan,“ iisa ang unang sasagi sa ating isipan: isang tao na mula sa ibang bayan. Kapag babanggitin naman ang “balikbayan box,” pasok dito ang konsepto ng pasalubong. Ang balikbayan box ay ang pinaglalagyan ng mga Pilipinong naninirahan o nagtatrabaho sa ibang bansa ng mga bagay na kailangan, gusto, o hiling ng kanilang mga mahal sa buhay na nasa Pilipinas. Laruan, damit, tsokolate, lotion, sabon, at iba pang gamit ang pilit ipinagkakasya sa isang balikbayan box.

Sa pamamagitan ng kahon ng pasalubong na ito, ipinararamdam ng isang overseas Filipino worker (OFW) ang kaniyang pagmamahal sa kaniyang pamilya.

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.