Baldomero Aguinaldo

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si Baldomero Aguinaldo ay isang rebolusyonaryong Filipino mula sa Cavite. Isa siya sa mga nakipaglaban sa mga Espanyol noong panahon ng Himagsikan. Pinsan siya ni Emilio Aguinaldo at ninuno ni Cesar Virata, ang dating punong ministro ng Pilipinas.

Talambuhay

Ipinanganak si Baldomero sa Cavite at nag-aral ng abogasya sa Ateneo de Manila ngunit lumipat din sa Unibersidad ng Santo Tomas. Bagama't hindi nakakuha ng bar exams, nagtrabaho siya bilang abogado at naging Justice of Peace sa Kawit. Kilala siya sa tawag na "Capitan Berong" at nagkaroon ng iba't ibang posisyon sa Cavite.

Himagsikan ng 1896

Isa si Baldomero sa mga nagtatag ng paksyong Magdalo ng Katipunan sa Cavite. Kasama ang pinsang si Emilio, nakipaglaban si Baldomero sa iba't ibang mga labanan sa Cavite.

Noong 1897, itinalaga bilang Direktor ng Pananalapi si Baldomero. Isa rin siya sa mga lumagda sa Saligang Batas ng Biak-na-Bato at sa Kasunduan sa Biak-na-Bato. Tumulong rin siya sa pagsusulat ng saligang batas ng republika. Kasama siya ni Emilio nang pumunta sa Hong Kong noong ika-27 ng Disyembre, 1897.

Nang sumiklab ang Digmaang Pilipino-Amerikano, itinalaga siya bilang pinuno ng mga hukbo sa katimugang bahagi ng Luzon.

Matapos ang digmaan, bumalik si Baldomero sa Silang, Cavite, kung saan niya pinangasiwaan ang kaniyang taniman ng niyog. Namatay siya noong ika-4 ng Pebrero, 1915.

Mga Sanggunian

  • "Baldomero Aguinaldo". (accessed on September 5, 2007)
  • Quirino, Carlos. Who's who in Philippine History. Manila: Tahanan Books, 1995.

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.