Bakawan

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Template:Automatic taxobox

Ang bakawan (Ingles: mangrove tree, mangrove[1]) ay isang uri ng punong pang-tubig na kalimitang ginagawang uling.[2]

Bilang pangkat, binubuo ito ng mga subtropikal at tropikal na mga palumpong at mga punong karaniwang nasa mga latian at mga dalampasigan. Karaniwang umuusbong ang mga buto habang nakakabit pa sa magulang na halaman. Nakabitin sa hangin ang mga ugat ng bata pang halaman. Kapag bumagsak na ang buto, paibabang tumutubo ang mga ugat na ito, pumipirmi sa lupa, at nagiging suporta ng bagong puno habang nasa ibabaw ng tubig ang mga ito.[1]

Sa Estados Unidos, pangkaraniwan ang mga bakawan sa kahabaan ng mga baybayin at mga latian ng Plorida.[1]

Sanggunian

  1. 1.0 1.1 1.2 "Mangroves". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977., Dictionary Index para sa M, pahina 572.
  2. English, Leo James, Diksyunaryong Tagalog-Ingles, Kongregasyon ng Kabanalbanalang Tagapag-ligtas, Maynila, ipinamamahagi ng National Book Store, may 1583 na mga dahon, ISBN 971910550X

Pagkilala

Wikipedia.png Hinango sa Wikipedia ang nilalaman ng pahinang ito na nagmula sa Bakawan. Ang talaan ng mga may-akda ay makikita sa pahina-kasaysayan. Kahalintulad ng Wikipedia, binibigyang-pahintulot ng WikiFilipino ang muling paggamit at pakikinabang sa mga nilalaman nito sa ilalim ng GNU Free Documentation License. Basahin ang kumpletong pagtatanggi/pagtatatwa.