Bakal

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search
Ang posisyon ng Iron sa talaang peryodiko ng mga elemento.

Ang bakal, yero, iyero, uwit, hero, o hiero (Template:Lang-es, Ingles: iron), may atomikong bilang na 26, atomikong timbang na 55.847, punto ng pagkatunaw na 1,535oC, punto ng pagkulong 3.00, espesipikong grabidad na 7.874 [sa 20oC], mga balensiyang 2, 3, 4, at 6) ay isang elementong kimikal at metalikong may simbolong Fe. Makinang ito at may hawig ang kaputian sa kulay ng pilak. Napupukpok ito, nahuhubog, at nababatak. Nakakagawa mula rito ng balani. Sa teknolohiya at industriya, nagagamit ang elementong ito sa konstruksiyon at paggawa ng mga makinarya, sa napakaraming kaparaanan.