Bahay ng Ifugao

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search
Bahay Kubo - Ifugao house.jpg

Ang Bahay ng mga Ifugao ay may magkakaparehong disenyong arkitektural ngunit nagkakaiba-iba sa mga dekorasyon depende sa tribong kinabibilangang ng nagmamay-ari nito. Ang mga bahay na ito ay makikita malapit sa hagdang-hagdang palayan. Ang bahay ng mga Ifugao na mayroong isang kwarto lamang ay tinatawag na fale. Ang labas ng bahay ay tila isang pyramid na may apat na poste ngunit ang espasyo nsa loob nito ay isang lugar na may nakahiliog na dingding at ang bubong nito ay tila pabilog.

Iba't-ibang Bahagi

Ang bahay ng mga Ifugao ay may tatlong bahagi: Ang ibabang bahagi kung saan matatagpuan ang mga poste na mayroong kahoy na disk na tinatawag na oliang, ito ang pumipigil sa mga daga na makapasok sa bahay. Ang ikalwang bahagi naman ng bahay ay ang lugar kung saan ang ginaganap ang mga gawaing pambahay kagaya ng pagluluto, pagkain at pagtulog. Ito ay mararating sa pamamagitan ng isang hagdan na maaaring tanggalin. Ang ikatlong bahagi ng bahay ay ang lugar kung saan nila nilalagay ang kanilang mga pagkain at inaning palay. Ito rin ay nasisilbing suporta sa bubong ng bahay.

Disenyo

Ang bahay ng mga Ifugao ay gawa sa timbre mula sa puno ng amugawan na nakatayo sa apat na poste. Ang mga posteng ito ay nabaon sa lupa ng mga 50 sentimetro at may mga batong nakaharang dito. Ang apat na kahoy na poste ay nagsusuporta sa dalawang kahoy na girder na siya ring sumusuporta sa tatlong kahoy ns dugtungan. Ang dasig ay nakakabit sa pagitan ng suleras. Ang kahoy na gilid ng bahay ay nakahilig palabas ng may taas na hanggang baywang. Ito ang bumubuo sa ibabang bahagi ng dingding. Ang itaas na bahagi naman ay binubuo ng loob na bahagi ng bubong. Iti ay nagbubuo ng madilim at walang bintanang espasyo na sinasabing kahalintulad ng isang sinapupunan.

Sanggunian


Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.