Baguio Public Market
Ang Baguio Public Market ay isang pangunahing publikong pamilihan sa Lungsod Baguio. Matatagpuan ito sa ibabang bahagi ng Session Road. Sa pamilihang ito ibinabagsak ang mga iba't ibang kalakal tulad ng gulay, prutas, manok, karne, at baboy, na nagmumula sa mga karatig lalawigan ng Baguio. May mabibili rin dito mga produktong gawa ng mga katutubo, tulad ng sisidlan, alahas ng gawa sa pilak, walis, kumot, pang-ginaw at mga inukit na kahoy. Mayroon din peanut brittle, tabako, mga palaman na gawa sa ube at istroberi na gawa ng mga taga-Baguio. At kung nais naman kumain, may matatagpuan mga kainan sa gitnang bahagi ng pamilihan, na maaring mamili sa mga pagkaing Ilokano at iba't ibang putahe na kanilang tinitinda.
Sanggunian
- Baguio Public Market (hinango noong 3 Marso 2008).
Pagkilala
![]() |
Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi. |
Baguio Public Market
Baguio Public Market
Baguio Public Market
Baguio Public Market