Baguio Catholic Cathedral
Ang Baguio Catholic Cathedral ay isang simbahang Katoliko na matatagpuan sa isang burol sa Lungsod Baguio. Ang kulay rosas na pula nitong tuktok at magarang estruktura ang malimit umaakit sa mga taong nagdaraan. May hagdan patungo sa itaas ng katedral kung ikaw ay magmumula sa Session Road.
Kasaysayan
Unti-unting itinayo ang katedral na ito sa ibabaw ng burol. “Kampo” ang unang tawag ng mga katutubong Ibaloy sa simbahang ito, at hindi nagtagal tinawag itong Mount Mary ng mga Belgian Catholic Mission na pinamumunuan ni Padre Carlu, CICM. At noong 1936, pinalitan muli ang pangalan nito bilang Our Lady of Atonement.
Ang Baguio Cathedral ang nagsilbing pansamantalang tuluyan ng mga biktima ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, na nagligtas sa libo-libong residente ng Baguio.
Sanggunian
- Baguio Catholic Cathedral (hinango noong 1 Marso 2008).
Pagkilala
![]() |
Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi. |
Baguio Catholic Cathedral
Baguio Catholic Cathedral
Baguio Catholic Cathedral
Baguio Catholic Cathedral