Bagong hepe ng SAF, pinangalanan

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Pinangalanan si Police Chief Supt. Moro Virigilio Lazo bilang bagong hepe ng Philippine National Police Special Action Force (PNP-SAF). Itinalaga siya ni Pangulong Benigno Aquino III noong ika-3 ng Marso 2015, higit isang buwan ang nakalipas matapos ang nangyaring sagupaan sa Mamasapano na nagdulot ng pagkasawi ng 65 na indibidwal – 3 sibilyan, 18 miyembro ng MILF, at 44 na miyembro ng SAF.

Pinalitan ni Lazo si Chief Superintendent Noli Taliño na pinangalanang SAF OIC matapos masibak sa pwesto si Director General Getulio Napeñas.

Bago mapiling SAF commander, si Lazo ay nagsilbi bilang hepe ng Firearms and Explosives Office ng PNP. Si Lazo, na mula sa Philippine Military Academy (PMA) Maharlika Class of 1984, ay miyembro ng Presidential Security Group (PSG) noong panahon ni dating Pangulo Fidel V. Ramos. Nagsilbi rin siyang provincial police director ng Benguet at Cagayan at regional director ng Central Luzon.



Sanggunian




Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.