Bagnet

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang Bagnet, kilala sa lokal na pangalan na chicaron, ay isa sa mga kilalang pagkain ng Pilipinas na matatagpuan sa Ilokos.

Ito ay karaniwang isinasawsaw sa suka, bagoong at bawang.

Paraan ng Pagluluto

  • Sa loob ng isang oras, patutuyuin muna ang sariwang karne sa ilalim ng araw.
  • Pagkatapos, hihiwain ang mga piraso nito at ilalagay sa sinublan (isang malaking kaldero) upang pakuluan.
  • Ang karne ng baboy ay ilulubog sa kumukulong mantika hanggang sa magkaroon ito ng mga bula. Ang balat naman nito ay tumitigas at nagsisimula nang pumutok.
  • Mga 20 na minuto matapos alisin ang karne sa kaldero, ang proseso ay uulitin hanggang sa lalo pang pumutok ang balat ng baboy.

Klase ng Bagnet

Ang bagnet ay maiiuri sa tatlong klase.

Una ay ang karne at balat ng baboy na siyang pinakamahal na bagnet at itinitinda ng tigki-kilo. Ang ikalawa ay ang bagnet knots na binibili ng bawat piraso. At ang huli ay ang bagnet crumbs na kinukudkod mula sa gilid ng kaldero. Ito ay itinitinda rin ng tigki-kilo at inilalagay sa pinakbet.

Sanggunian

  • Cordero-Fernando, Gilda. Philippine Food and Life. Pasig: Anvil Publishing Inc., 1992.
  • Bagnet. (Hinango noong 13 Mayo 2008).

Template:Katiting

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.