Augusto Villanueva

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Upang basahin ang artikulong ito sa Ingles, tingnan ang Augusto Villanueva.

Si Augusto "Gus" Villanueva ay isang Pilipinong peryodista at sportswriter. Naging patnugot at publisher siya ng mga pahayagan ng Philippine Journalists Incorporated. Kilala rin siya bilang isang batikang mamamahayag.

Times Journal

Nagsimula si Villanueva sa kaniyang karera bilang isang sportswriter noong 1955 sa edad na 17, habang nag-aaral siya sa Unibersidad ng Santo Tomas. Noong 1972, nawalan ng trabaho si Villanueva kasama ang mga kapwa mamamahayag matapos magdeklara ng batas militar si Pangulong Ferdinand E. Marcos. Dahil dito, kinumbinsi nila si Benjamin Romualdez na itatag ang Times Journal, ang unang pahayagan ng Philippine Journalists group, kasama ang Women's Journal, na isang sikat na magasin.

People's Journal at People's Tonight

Noong 1978, itinatag ni Villanueva ang People's Journal, at ang People's Tonight noong 1979. Kapwa naging pangunahing mga tabloid sa bansa ang mga ito. Naging tagapangulo rin siya ng Philippine Sportswriter Association noong dekada 70 at sinimulan ang lingguhang PSA Forum.

Matapos bawiin ng gobyerno ang Journal Group noong 1986 sa administrasyon ni Pangulong Corazon Aquino, itinatag ni Villanueva ang News Today, isang pahayagan para sa mga overseas Filipino workers. Noong 2004, nakabalik si Villanueva bilang patnugot at publisher ng Journal Group.

Pumanaw si Villanueva noong ika-14 ng Enero 2022.

Mga Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.