Augusto Salvador

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Upang basahin ang artikulong ito sa Ingles, tingnan ito.

Si Augusto Salvador ay isang batikang direktor at editor ng pelikula sa Pilipinas. Kilala siya sa kaniyang ambag sa mga pelikula mula dekada 70 hanggang 2000s.

Kabilang sa mga pelikulang kaniyang inedit ang Insiang ni Lino Brocka, Ang Probinsyano ni Fernando Poe Jr. at Relasyon ni Ishmael Bernal.

Siya rin ang editor ng mga pelikulang Geron Busabos, Pinakamagandang Hayop sa Balat ng Lupa, City After Dark, Bona at Pagbabalik ni Leon Guerrero. Kilala rin siya bilang editor ng mga pelikulang pinagbidahan ni Poe tulad ng Asedillo, Bondoc, Durugin si Totoy Bato, Perlas ng Silangan at Roman Rapido.

Kabilang naman sa kaniyang mga pelikula bilang direktor ang Ang Panday, Pakners, Eseng ng Tondo, Gumising Ka Maruja, Patayin sa Sindak si Barbara at Florinda. Siya rin ang editor ng ilang mga pelikula ni Brocka tulad ng Tinimbang ka Ngunit Kulang, Ina Kapatid Anak at Insiang.

Pumanaw si Salvador noong ika-7 ng Hunyo 2021 sa edad na 80.

Mga Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.