Ateneo Human Rights Center

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Template:Infobox Organization

Ang Ateneo Human Rights Center (AHRC) ay isang di-gobyernong organisasyon sa Filipinas na nagtataguyod at nangangampanya para sa karapatang pantao sa bansa. May tanggapan ito sa Ateneo de Manila University.

Deskripsiyon

Ang AHRC ay nasa ilalim ng pangasiwaan ng Ateneo de Manila Law School. Ito ang gumaganap na sekretaryat ng Human Rights Standing Committee ng Law Association for Asia and the Pacific (LAWASIA). Naglulunsad ito ng mga programa na maaaring boluntaryong makilahok ang mga estudyante ng Batas at makasama ang ibang grupong aktibong nagtataguyod ng karapatang pantao, samantalang nagsasaliksik, nagsusulat, nag-iimbestiga, nagtuturo at nakikibahagi sa paglilitis.

Misyon

Kabilang sa mga misyon ng institusyong ito ay ang mga sumusunod:

  • Mapagkaisa at masuportahan ang mga abogado na nagtataguyod ng karapatang pantao;
  • Mabigyan ng katarungan ang sinumang pinagkaitan ng karapatang pantao, at matulungan ang Filipinas at ang mga Filipino sa ibang bansa na makamit ang saliksik, impormasyon, at tulong-panghukuman na kailangan nila;
  • Masubaybayan ang pagtupad ng pamahalaan sa karapatan-pantao;
  • Mapaunlad ang mga mamamayan at makamtan ang kapayapaan, demokrasya, at magkaroon ng pamahalaan na nagpapatupad at sumusunod sa batas.

Ang AHRC ay isang institusyong nakabase sa unibersidad kaya napakikinabangan nito ang anumang mahahalagang kagamitan na maibibigay ng unibersidad. Ang mga guro sa batas, ang mga abogadong nagtapos sa unibersidad na ito, at ang estudyante ng batas ay nagbibigay ng sapat na suporta sa AHRC upang maipatupad ang iba't iba nitong programa.

Sanggunian

  • Hango sa Directory of Non-Government Organizations Working on Women. Publication of the National Commission on the Role of Filipino Women; Copyright 2007.

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.