Asya

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang Asya ay ang pinakamalaki sa pitong kontinente sa mundo. Sinasaklaw nito ang humigit-kumulang 30 porsiyento ng kalupaan ng daigdig. Ito rin ang kontinenteng may pinakamalaking populasyon kung saan humigit-kumulang 60 porsiyento ng kabuoang populasyon ng mundo. Ang Asya ay ang pinakamalaking kalupaan sa buong mundo at itinuturing na isa sa mga pinagsibulan ng mga dakilang kabihasnan na nagpabago at humubog sa kaisipan at paniniwala ng mga tao sa daigdig. Ilan sa mga popular na sinaunang kabihasnan na naitala sa kasaysayan ay nagmula sa Asya.[1]

Heograpiya

Ang Asya ang pinakamalaking kontinente at sumasaklaw sa humigit-kumulang na ikatlong bahagi ng mundo. Iba’t iba ang sukat ng Asya ayon sa iba’t ibang sanggunian tulad ng The New York Times Atlas of the World [2] na 43,608,000 kilometro kuwadrado (16,837,000 sq. mi). Ang Chambers World Gazetteer [3] ay nagtala ng sukat na 44,000,000 kilometro kuwadrado, habang ang Concise Columbia Encyclopedia [4] ay 44,390,000 kilometro kuwadrado. Naitala naman sa Pearson General Knowledge Manual [5] (2011) ang 44,030,000 kilometro kuwadrado.

Sa kanluran nito matatagpuan ang Europa; sa silangan at timog-silangan ang Oceana at Australia; at sa timog-kanluran ang Africa. Ang hanggahan ng Asya sa kanlurang bahagi ay ang mga Bulubundukin ng Ural at Caucasus; at ang Dagat Caspian at Dagat Itim. Napaliligiran din ang Asya ng Karagatang Artiko, Karagatang Pasipiko, at Karagatang Indian. Ang Suez Canal naman ang hanggahan nito bago dumating sa Ehipto, na bahagi ng kontinenteng Africa. Sa kabuoan, ang Asya ay maaaring hatiin sa limang pisikal na bahagi: mga kabundukan, mga talampas; mga kapatagan at disyerto; kapaligirang may tubig-tabang; at kapaligirang may tubig-alat.[1]

Mga Rehiyon at Bansa sa Asya

Ang Asya ay nahahati sa limang rehiyon: Gitnang Asya, Silangang Asya, Timog Asya, Timog-silangang Asya, at Kanlurang Asya.

Ang Gitnang Asya ay politikal na nahahati sa limang bansa: Tajikistan, Uzbekistan, Kazakhstan, Turkmenistan, at Kyrgyzstan. Ito ay nasa hanggahan ng kanlurang China, timog ng Russia, at hilaga ng Afghanistan. Ang hanggahan nito sa kanluran ay ang dinadaluyan ng Dagat Caspian. Malaki ang ambag ng Gitnang Asya sa transportasyon ng mga produkto sa pagitan ng China at Europa noong panahon ng kalakalan sa bantog na Silk Road.

Ang Silangang Asya ay politikal na nahahati sa walong bansa: China, Mongolia, North Korea, South Korea, Japan, Hong Kong, Taiwan, at Macau. Ito ay matatagpuan sa silangan ng Gitnang Asya, kung san ang hanggahan nito ay bumabaybay sa Dagat Silangang Tsina. Naninirahan ang mas maraming mamamayan ng rehiyon sa mga pangunahing lungsod nito tulad ng Tokyo at Beijing.

Ang Timog Asya ay nahahati sa siyam na awtonomong bansa: Sri Lanka, Bangladesh, India, Afghanistan, Pakistan, Bhutan, Nepal, Iran, at Maldives. Tatlong katubigan ang nasa hanggahan nito: ang Dagat Indian sa timog; Lawa ng Bengal sa silangan, at ang Dagat Arabian sa kanluran.

Ang Timog-silangang Asya ay nahahati sa 11 bansa: Brunei, Cambodia, Indonesia, Laos, Malaysia, Myanmar, Pilipinas, Singapore, Thailand, Timor Leste, at Vietnam. Ito ay matatagpuan sa hilaga ng Australia, timog ng Silangang Asya, kanluran ng Karagatang Pasipiko, at silangan ng Lawa ng Bengal. Nahahati rin ang rehiyon sa mga kapuluan. [6]

Populasyon sa Asya

Narito ang populasyon ng mga bansa sa Asya ayon sa pinakabagong tala ng Worldometer:[7]

# Bansa (o dependiyente) Populasyon

(2020)

Pagbabago

kada Taon

Pagbabago

sa Neto

Densidad

(P/Km²)

Lupain

(Km²)

Fertility

Rate

Median

Age

1 China 1,439,323,776 0.39 % 5,540,090 153 9,388,211 1.7 38
2 India 1,380,004,385 0.99 % 13,586,631 464 2,973,190 2.2 28
3 Indonesia 273,523,615 1.07 % 2,898,047 151 1,811,570 2.3 30
4 Pakistan 220,892,340 2.00 % 4,327,022 287 770,880 3.6 23
5 Bangladesh 164,689,383 1.01 % 1,643,222 1,265 130,170 2.1 28
6 Japan 126,476,461 -0.30 % -383,840 347 364,555 1.4 48
7 Pilipinas 109,581,078 1.35 % 1,464,463 368 298,170 2.6 26
8 Vietnam 97,338,579 0.91 % 876,473 314 310,070 2.1 32
9 Turkey 84,339,067 1.09 % 909,452 110 769,630 2.1 32
10 Iran 83,992,949 1.30 % 1,079,043 52 1,628,550 2.2 32
11 Thailand 69,799,978 0.25 % 174,396 137 510,890 1.5 40
12 Myanmar 54,409,800 0.67 % 364,380 83 653,290 2.2 29
13 South Korea 51,269,185 0.09 % 43,877 527 97,230 1.1 44
14 Iraq 40,222,493 2.32 % 912,710 93 434,320 3.7 21
15 Afghanistan 38,928,346 2.33 % 886,592 60 652,860 4.6 18
16 Saudi Arabia 34,813,871 1.59 % 545,343 16 2,149,690 2.3 32
17 Uzbekistan 33,469,203 1.48 % 487,487 79 425,400 2.4 28
18 Malaysia 32,365,999 1.30 % 416,222 99 328,550 2.0 30
19 Yemen 29,825,964 2.28 % 664,042 56 527,970 3.8 20
20 Nepal 29,136,808 1.85 % 528,098 203 143,350 1.9 25
21 North Korea 25,778,816 0.44 % 112,655 214 120,410 1.9 35
22 Taiwan 23,816,775 0.18 % 42,899 673 35,410 1.2 42
23 Sri Lanka 21,413,249 0.42 % 89,516 341 62,710 2.2 34
24 Kazakhstan 18,776,707 1.21 % 225,280 7 2,699,700 2.8 31
25 Syria 17,500,658 2.52 % 430,523 95 183,630 2.8 26
26 Cambodia 16,718,965 1.41 % 232,423 95 176,520 2.5 26
27 Jordan 10,203,134 1.00 % 101,440 115 88,780 2.8 24
28 Azerbaijan 10,139,177 0.91 % 91,459 123 82,658 2.1 32
29 United Arab Emirates 9,890,402 1.23 % 119,873 118 83,600 1.4 33
30 Tajikistan 9,537,645 2.32 % 216,627 68 139,960 3.6 22
31 Israel 8,655,535 1.60 % 136,158 400 21,640 3.0 30
32 Hong Kong 7,496,981 0.82 % 60,827 7,140 1,050 1.3 45
33 Laos 7,275,560 1.48 % 106,105 32 230,800 2.7 24
34 Lebanon 6,825,445 -0.44 % -30,268 667 10,230 2.1 30
35 Kyrgyzstan 6,524,195 1.69 % 108,345 34 191,800 3.0 26
36 Turkmenistan 6,031,200 1.50 % 89,111 13 469,930 2.8 27
37 Singapore 5,850,342 0.79 % 46,005 8,358 700 1.2 42
38 State of Palestine 5,101,414 2.41 % 119,994 847 6,020 3.7 21
39 Oman 5,106,626 2.65 % 131,640 16 309,500 2.9 31
40 Kuwait 4,270,571 1.51 % 63,488 240 17,820 2.1 37
41 Georgia 3,989,167 -0.19 % -7,598 57 69,490 2.1 38
42 Mongolia 3,278,290 1.65 % 53,123 2 1,553,560 2.9 28
43 Armenia 2,963,243 0.19 % 5,512 104 28,470 1.8 35
44 Qatar 2,881,053 1.73 % 48,986 248 11,610 1.9 32
45 Bahrain 1,701,575 3.68 % 60,403 2,239 760 2.0 32
46 Timor-Leste 1,318,445 1.96 % 25,326 89 14,870 4.1 21
47 Cyprus 1,207,359 0.73 % 8,784 131 9,240 1.3 37
48 Bhutan 771,608 1.12 % 8,516 20 38,117 2.0 28
49 Macao 649,335 1.39 % 8,890 21,645 30 1.2 39
50 Maldives 540,544 1.81 % 9,591 1,802 300 1.9 30
51 Brunei 437,479 0.97 % 4,194 83 5,270 1.8 32

Dagdag na Kalaman

Ang Ilog Yangtze sa China ang pinakamahabang ilog sa Asya. Ikatlo itong pinakamahaba sa buong munod, kasuod ang Ilog Amazon at Ilog Nile.

Ang pinakamataas na bundok sa buong mundo ay ang Bundok Everest. Ito ay matatagpuan sa bulubundukin ng Himalayan, na nasa pagitan ng Nepal at China.

May mahigit-kumulang 2,300 wika na sinasalita sa Asya. Halos 1.39 bilyong katao ang nagsasalita ng Chinese habang 588 milyon ang nagsasalita ng Hindi-Urdu (ginagamit sa India at Pakistan).

Kabilang sa mga popular na atraksiyon sa Asya ay ang Great Wall sa China, Grand Palace sa Thailand, Kyoto at ang cherry bloom sa Japan, at Taj Mahal sa India. [8]

Mga Sanggunian

  1. 1.0 1.1 “Asia: Physical Geography.” National Geographic. https://www.nationalgeographic.org/encyclopedia/asia/. Accessed 10 Mayo 2021.
  2. The New York Times and Bartholomew, Edinburgh (1992). The New York Times Atlas of the World. New York: Times Books (Random House). p. 44.
  3. “Asia.” Chambers World Gazetteer (5th ed.). 1988.
  4. “Asia.” The Concise Columbia Encyclopedia (2nd ed.). 1989.
  5. Edgar Thorpe, Shawick Thorpe. The Pearson General Knowledge Manual. India: Dorling Kindersley (2011). p. A25.
  6. “What Are The Five Regions Of Asia?” World Atlas. https://www.worldatlas.com/articles/the-four-regions-of-asia.html. Accessed 10 Mayo 2021.
  7. Asian Countries by population (2021). Worldometer.https://www.worldometers.info/population/countries-in-asia-by-population/. Accessed 10 Mayo 2021.
  8. “Asia Facts.” Kids World Travel Guide. https://www.kids-world-travel-guide.com/asia-facts.html. Accessed 10 Mayo 2021.

==Pagkilala==

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.