Asia Pacific Clean Air Partnership

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang Asia Pacific Clean Air Partnership ay isang kasunduan sa pagitan ng iba't ibang bansa sa Asya-Pasipiko na may layuning masolusyunan ang polusyon sa hangin. Una itong itinatag noong 2015 sa panunguna ng United Nations Environment Programme (UNEP).

Suliranin sa Polusyon sa Hangin

Itinuturing na isang suliranin sa kalusugang pampubliko at kapaligiran ang polusyon sa hangin, at noong Hunyo 2014, binigyang prayoridad sa UN Environment Assembly ang paghanap ng solusyon sa suliraning ito. Humingi ng tulong ang mga miyembrong bansa ng UNEP para suportahan ang mga gawain ng bawat bansa para masolusyunan ang suliraning ito. Dahil sa pagkakaiba-iba ng mga patakaran at gawain ng bawat bansa, binuo noong 2015 ang Asia Pacific Clean Air Partnership para maging mas maayos ang iba't ibang inisyatiba para sa pagpapabuti ng kalidad ng hangin sa rehiyon.

Layunin ng Asia Pacific Clean Air Partnership ang maging mekanismo para sa mas maayos na koordinasyon at kolaborasyon para sa iba't ibang programa para sa malinis na hangin sa rehiyon. Layunin rin nitong maging daan para mapalaganap ang kaalaman sa mga programa kontra polusyon, gayundin ang mga polisiyang tungkol dito sa Asya Pasipiko.

2018 Asia Pacific Clean Air Partnership Joint Forum

Noong 2018, nagsama-sama nag nasa 300 delegado mula sa iba't ibang bansa at mga organization mula sa Asya Pasipiko para pag-usapan ang suliranin sa polusyon. Nagkaroon ng Joint Forum bilang sagot sa Resolution 3/8 ng ikatlong UN Environment Assembly Resolution. Kinilala rin sa pagtitipon na ang kaalaman at impormasyong mula sa iba't ibang delegado ay napapanahon habang mas dumarami ang mga pamahalaan na gumagawa ng aksyon para masolusyunan ang suliranin sa polusyon.

Science Panel

Binubuo ng mga eksperto mula sa rehiyon ang Asia Pacific Clean Air Partnership Science Panel para mas mapag-usapan ang mga mainam na solusyon sa problema ng polusyon sa rehiyon. Kasalukuyang binubuo ng mga sumusunod ang Science Panel:

  • Chair: Jiming Hao (China)
  • Vice Chair: Hajime Akimoto (Japan)
  • Markus Amann (Austria)
  • Jiang Kejun (China)
  • Zhang Shiqui (China)
  • Veerabhadran Ramanathan (India)
  • Jayaraman Srinivasan (India)
  • Kalpana Balakrishnan (India)
  • Teruyuki Nakajima (Japan)
  • Young Sunwoo (Republic of Korea)
  • Rajasekhar Balasubramanian (Singapore)
  • Nguyen Thi Kim Oanh (Thailand)

Mga Miyembrong Bansa

Kasalukuyang may 16 na bansang kasapi sa Asia Pacific Clean Air Partnership.

  • Afghanistan
  • Cambodia
  • India
  • Iran
  • Japan
  • Republic of Korea
  • Malaysia
  • Maldives
  • Mongolia
  • Nepal
  • New Zealand
  • Pakistan
  • Philippines
  • Singapore
  • Sri Lanka
  • Thailand

Noong 2019, naging bahagi rin ng partnership ang Gyeonggi Provincial Government ng South Korea.

Mga Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.