Arsenio Balisacan

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Upang basahin ang artikulong ito sa Ingles, tingnan ito.

Si Arsenio M. Balisacan ay batikang ekonomista, propesor, at lingkod-bayan. Siya ang hinirang ni Pangulong Bongbong Marcos bilang kalihim ng Pambansang Pangasiwaan sa Kabuhayan at Pagpapaunlad [National Economic and Development Authority o NEDA].

Mga Karanasan

Si Balicasan, na tubong Ilocos Norte, ay may ektensibong karanasan at kaalaman sa paggawa ng mga polisiya at kinikilalang eksperto sa larangang ito sa buong Asya. Halos tatlong dekada na siyang propesor ng ekonomika sa Unibersidad ng Pilipinas (UP) at chairman ng Philippine Competition Commission. Naging kalihim din siya sa socioeconomic planning at direktor-heneral sa NEDA noong 2012 hanggang 2016.

Naging dekano rin siya sa UP School of Economics, Director-Chief Executive ng Southeast Asian Regional Centre for Graduate Study and Research in Agriculture (SEARCA), at Undersecretary for Policy and Planning ng Kagarawan ng Agrikultura. Bago naging propesor sa UP noong 1987, siya ay research fellow ng East West Center sa Honolulu at ekonomista ng World Bank sa Washington, D.C.

Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.