Arnis

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang arnis ay Pambansang Martial Art at Isport ng Pilipinas. Idineklara itong pambansang isport noong 2009 ni dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa bisa ng Batas Republika Blg. 9850.

Maraming katawagan ang arnis sa iba’t ibang bahagi ng ating bansa. Tinatawag itong “pananandata” ng mga Tagalog, “didja” sa Ilokano, at “kaliradman” sa Bisaya. Pagkampay at pag-ikot ng mga kamay ang karaniwang galaw sa pagsasagawa ng arnis. May kasama rin itong pag-atake, pagtulak, at iba pang teknik sa depensa at opensa.

Isa o dalawang patpat ang karaniwang ginagamit na sandata ng mga manlalaro ng arnis. Malimit ding nilalaro ito gamit lamang ang mga kamay at paa ngunit may parehong tuntunin sa paghampas, pagharang, pagsara, at pakikipagbuno.[1]

Sanggunian

  1. National Commission for Culture and the Arts. “National Sport: Arnis.” National Commission for Culture and the Arts, 18 May 2015. https://ncca.gov.ph/about-culture-and-arts/culture-profile/philippine-fast-facts/national-sport-arnis/. Accessed 11 Marso 2021.

==Pagkilala==

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.