Armand Mijares

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si Armand Mijares ay isang Filipino archaeologist mula sa Archaeological Studies Program ng Unibersidad ng Pilipinas. Karaniwang paksa ng kaniyang pag-aaral ang migrasyon ng mga sinaunang tao sa Timog Silangang Asya. Noong 2010, kinilala siya bilang pangunahing manunulat ng isang artikulo sa Journal of Human Evolution tungkol sa 67,000 taong gulang na buto na natagpuan sa Callao Cave sa Cagayan.

Pagkatuklas sa Taong Callao

Pinangunahan ni Mijares ang isang grupo ng mga Filipino at banyagang archaeologist na naghukay sa Callao Cave complex sa Cagayan. Kabilang sa kanilang mga nahanap ay mga kagamitang bato na nasa 27,000 na ang edad. Noong 2007, nakahukay ang grupo ng metatarsal ng tao sa lugar. Sa paniniwalang mahalaga ang kanilang nahukay, ipinadala ni Mijares sa ibang bansa ang buto para malaman ang edad nito. Noong 2009, nakumpirma na nasa 67,000 taon na ang edad ng nasabing buto, mas matanda ng 20,000 taon sa buto ng Taong Tabon (47,000 taon) na una nang pinaniwalaan bilang pinakaunang taong nabuhay sa bansa. Tinawag na Taong Callao ang natuklasan nina Mijares, na mas matanda pa sa mga buto ng Homo sapiens na natagpuan sa ibang bahagi ng Asya-Pasipiko. Kasalukuyan pang inaaral ang butong natagpuan sa Callao Cave para malaman kung saan espesye ng tao ito nabibilang.

Mga Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.