Arlene de Castro

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Upang basahin ang artikulong ito sa Ingles, tingnan ang Arlene de Castro.

Si Bai Arlene Fatimah Gardner Sinsuat De Castro (18 Abril 1955 - 31 Hulyo 2021) ay isang Pilipinong producer at dating Vice President for Current Affairs ng ABS-CBN Broadcasting Corporation. Kilala rin siya bilang kabiyak ni dating Pangalawang Pangulo ng Pilipinas at mamamahayag na si Noli de Castro

Karera

Nakilala sa larangan ng pamamahayag si De Castro nilang produser ng iba't ibang programa kabilang na ang "Magandang Gabi...Bayan" na umere sa ABS-CBN. Kinalaunan ay itinalaga siya bilang Vice President for Current Affairs ng ABS-CBN. Nanatili siya sa posisyong ito hanggang sa kaniyang pagreretiro noong 2004.

Naging tagapangulo rin si De Castro ng Bayan Productions, na siyang nasa likod ng mga programang tulad ng "Kabuhayang Swak na Swak" at "Trip na Trip". Tumagal ng limang dekada ang karera ni De Castro sa larangan ng pamamahayag at broadcasting.

Personal na Buhay

Mayroong tatlong anak sina Arlene at Noli: sina Manueli, Katherine Chloe at Shamier.

Pumanaw si De Castro noong ika-31 ng Hulyo 2021 sa edad na 66.

Mga Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.