Araw ng Siquijor

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search
Welcome to Siquijor.jpg

Ipinagdiriwang ang Araw ng Siquijor tuwing ikalawang linggo ng Setyembre upang alalahanin ang pagkakabuo ng siyudad ng Siquijor. Binubuo ito ng isang linggong mga gawain tulad ng mga parada, kalakalan, paligsahan sa iba’t ibang uri ng palakasan, mga presentasyon hinggil sa pangkultura na ipinapalabas ng mga mag-aaral mula sa iba’t ibang paaralan, at pagpapakita ng iba’t ibang pagpipista ng mga bayan.

Mga Kapistahan Sangkot sa Pagdiriwang

Itinuturing ang Araw ng Siquijor bilang “festival of all festivals” sapagkat dito itinatampok ang iba’t ibang kasayahan mula sa anim na munisipalidad. Layunin din ng selebrasyong ito na pagyamanin ang kanilang kultura, patatagin ang pagtutulungan, pakikipag-kapwa at pagkakaintindihan ng bawat Siquijodnon na marahil ay isang malaking hakbang upang maitaas ang turismo ng nasabing lalawigan..

Solili Festival

Ang Solili Festival ang pangunahing selebrasyon na itinatampok sa pagdiriwang ng Araw ng Siquijor. Isa sa mga tradisyon na binibigyang halaga ng mga mamamayan ng Lazi, Siquijor hanggang sa kasalukuyan ay ang Solili Binalaye, kung saan magtitipon-tipon ang mga kamag-anak ng lalaking ikakasal upang makilala ang kanyang mapapangasawa. Ginugunita sa pagdiriwang na ito ang punto ng pagliligawan nina Tukmo at Punay, at bilang tributaryo para sa bagong kasal ay isinasayaw ang Solili kasabay ng pagsigaw ng “Solili Binalaye”.

Dila-ab Festival

Sa selebrasyong ito ay ipinapakita ang pagiging bukas-loob kung saan kilala ang mga Siquijodnons. Iminumungkahi din sa naturang kasayahan ang dating pangalan ng isla na “Isla de fuego” dahil sa maraming mga salagintong nagliliparan tuwing gabi. Binibigyang-pugay din ang mga natural na yamang taglay ng Siquijor at ang kanilang patron na si St. Francis of Asisi na kilala bilang mapagmahal sa kalikasan. Hinango ang salitang “dila-ab” sa salitang bisaya na ang ibig sabihin ay lumalagablab na apoy.

Bugwas Festival

Itinatampok din ang Bugwas Festival ng bayan ng San Juan, Siquijor sa pagdiriwang ng Araw ng Siquijor. Pinapahalagahan sa festival na ito ang kanilang masaganang ani bilang papuri sa kanilang patron na si St. Agustine. Ang salitang “bugwas” ay nangangahulugan ng biglaang pagdaloy ng tubig na nagmumula sa lupa at malayang umaagos sa kanilang mga pananim na siyang nagdudulot ng masaganang ani para sa mga mamamayan ng San Juan.

Saging Festival

Ipinagdidiriwang ang Saging Festival sa Lazi, Siquijor.

Lubi Festival

Ipinagdidiriwang tuwing ika 21 ng Mayo taun-taon sa bayan ng Maria, Siquijor. Sinisimbolo ng pagdiriwang na ito ang kahalagahan ng puno ng niyog sa buhay ng bawat Mariajanon. Sagana sa puno ng niyog ang mga taga-Maria at ditto sila kumukuha ng pang-araw-araw na pamumuhay. Kung kaya’t para sa mga Mariajanon, ang niyog ay tinuturing nilang buhay.

Panlabas na Kawing

Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.