Araw ng Pagkakaibigan ng mga Filipino at Amerikano (Fil-Am)

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Minsan sa ating kasaysayan ay sinakop ang ating bansa ng mga Amerikano . Binigyan sila ng katawagang "Kano" o "GI." Bagamat may nakaraang alitan, naganap ang isang pagkakaibigan sa pagitan ng Pilipinas at Amerika. Dito nagsimula ang pagdiriwang ng Araw ng Pagkakaibigan ng mga Filipino at Amerikano (Fil-Am). Ang selebrasyon ay ginaganap tuwing ika-4 ng Hulyo, ang petsa kung saan ang bansa ay nagsarili at nagkaroon na ng kalayaan sa ilalim ng pamamamahala ng mga Amerikano(Hulyo 4, 1946). May ilang naitala na nagsasabing ang araw na ito ang nararapat na itakdang Araw ng Kalayaan ng Pilipinas.

Una itong ipinagdiwang noong 1962 ngunit kahit noong 1796 ay may ugnayan na ang Amerika at Pilipinas nang dumako ang barkong Astrea sa bansa sa simula ng pakikipagkalakalan. Sa pamamagitan ng Tratado ng Paris ay nailipat sa Amerikano ang pamamahala ng bansa matapos ang pagpapasailalim sa mga Kastila.

Bagamat noong mga panahong iyon ay marami ang tumutol sa pangyayaring ito, ay makikita rin naman ang naging positibong bunga ng ugnayang Filipino at Amerikano. Masasabing hindi lamang pang-isang araw ang pagkakaibigang ito sapagkat patuloy itong umiigting sa kasalukuyan. Ang ilan sa naging impluwensiya ng Amerikano sa Pilipinas ay ang sistema ng edukasyong pampubliko, serbisyo publiko, sistemang merito, at ang demokratikong pananaw. Isa rin ang pagkakatatag ng United Nations noong 1945 at ang samahan ng World Trade Organization na nagpatibay sa relasyong Filipino-Amerikano.

Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.