Aratiles

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search
Aratiles (Picture from ([1]).

Ang Aratiles (Muntingia calabura L.) ay isang uri ng prutas na makikita saan man sa Pilipinas, maging sa mga siyudad. Tinatawag itong Zanitas ng mga Iloko, Seresa ng mga Ilonggo, Manzanitas ng mga Ibanag, at Datiles, Ratiles o Aratiles ng mga tagalog.

Katangian

Ito ay isang maliit na puno, mula lima hanggang sampung metro ang taas, may dahon na madikit at hugis pahaba na patulis pagdating sa dulo, na may sukat na walo hanggang 12 sentimetro.

Ang bulaklak nito ay kulay puti at may lapad na dalawang sentimetro. Ang bunga naman nito ay pabilog at makinis, kulay pula kung hinog, matamis at mabuto na may sukat na 1.5 sentimetro.

Gamit

Ang aratiles ay pinaniniwalaan na maaaring gamitin bilang isang halamang gamot. Ang bulaklak nito ay pinakukuluan at ginagamit para sa pamamanhid ng tiyan at ang balat ng puno ay ginagamit naman sa paggawa ng lubid.

Sanggunian

  • Fernandez, Doreen G. Fruits of the Philippines. Makati: Doreen G. Fernandez and Bookmark, Inc., 1997.
  • Aratiles. (Hinango noong 12 Mayo 2008).

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.