Antonino R. Buenaventura

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si Antonino R. Buenaventura (1904-1996), isang kompositor at guro, ay Pambansang Alagad ng Sining sa Musika ng Pilipinas na naglaan ng pitong dekada sa pagsusulong ng musikang Pilipino at paggawa ng mga awitin na nakabase sa katutubong musika ng iba't ibang pangkat-etniko sa bansa.

Buhay

Ipinanganak si Buenaventura noong 4 Mayo 1904 sa Baliwag, Bulakan at supling nina Leocadia Ramirez at Lucino Buenaventura. Noong siya ay bata pa, natuto na siya ng solfeggio mula sa kaniyang guro sa musika sa kanilang bayan. Magaling na rin siyang tumugtog ng clarinet at mahusay lumikha ng mga musika.

Nag-aral siya sa Unibersidad ng Pilipinas Konserbatoryo ng Musika at natamo ang kaniyang Teacher's Diploma, major in science and composition noong 1932. Sina Nicanor Abelardo, Francisco Santiago, at Jeno von Takacs ang mga naging guro niya sa UP.

Karera

Naging tagapagturo at konduktor sa banda si Buenaventura sa Philippine Military Academy noong 1939; konduktor ng Philippine Army Band; at co-conductor ni Ramon Tapales ng Municipal Symphony Orchestra of Manila sa pagtatanghal nito sa Hongkong, Yokohama, Guam at Hawaii.

Naging direktor din siya ng musika sa Unibersidad ng Santo Tomas Konserbatoryo ng Musika noong 1961 at ng University of the East (UE) School of Music and Arts.

Sa ilang mga okasyon, naging kinatawan siya ng Pilipinas sa iba't ibang internasyonal na pagpupulong, kabilang dito ang: International Council of Music conference sa Rome; 1962 sa Hamburg; 1964 bilang presidente ng National Music Council; Festival of the Asian League of Composers sa Kyoto, Japan; 1974 bilang vice-chairman ng League of Filipino Composers; at ang General Assembly of the International Society for Music Education sa Switzerland noong 1976.

Ilang Komposisyon

  • Pandanggo sa Ilaw, 1936
  • Minuet, 1937
  • By the Hillside, 1947
  • Mindanao Sketches, 1947
  • Divertimento for Piano and Orchestra, 1959
  • Variations and Fugue, 1972
  • Greetings, 1978
  • Echoes from the Philippines
  • Awit sa Tagumpay ng Bayan, 1986

Parangal

  • Band Conductor of the Year mula sa Manila Music Lovers Society, 1951
  • Republic Cultural Heritage Award for Music, 1961
  • Outstanding Alumnus, UP Alumni Association Award, 1966
  • Patnubay ng Sining at Kalinangan Award mula sa Lungsod Maynila, 1971
  • Pro Mundi Beneficial Medal and Diploma Award, mula sa Academia Brazileira de Ciencias Humanas, 1975
  • Award of Merit for Outstanding Contribution to Philippine Music, mula sa Philippine Army, 1976
  • Direktor Emeritus Award, mula sa UE, 1981
  • Pambansang Alagad ng Sining, 1988

Siya rin ay nakalista sa Who's Who in the World, 1974 at Dictionary of International Biographies, 1975.

Panlabas na Kawing

Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.