Angelica Panganiban

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si Angelica David Panganiban ngunit mas nakilala ng publiko bilang Angelica Panganiban ay isa sa mga pinakasikat na batang aktres sa Pilipinas ngayon. Isa rin siya sa mga pinagmamalaking artista ng ABS-CBN.

Pinagmulan

Ipinanganak noong 4 Nobyembre 1986 sa Lungsod Caloocan, siya ang nag--isang anak ni Annabell Panganiban at amang hindi na niya matandaan ang pangalan.

Dalawang taong gulang pa lamang siya nang maghiwalay ang kanyang mga magulang. kung kaya naman, wala na siyang naaalala tungkol sa kanyang ama. Noong kanyang pagkabata, ang inakala niyang tatay ang kanyang kinagisnang lolo.

Nagsimula siyang mag-aral sa St. Rafael Elementary School sa Tondo, Lungsod Maynila hanggang ikatlong antas sa elemtarya. Pagkatapos ay lumipat siya sa St. Vincent School, Teacher's Village, Lungsod Quezon at doon na nagtapos.

Sa kanyang pagpasok sa hayskul, lumipat naman siya sa St. Vincent School, West Avenue, Lungsod Quezon. Dito ay nakilala siya bilang simpleng mag-aaral. Nanalo siya ng Junior and Senior Princess 2002 at Miss Junior and Senior nang sumunod na taon.

Nang magtapos siya doon, nag-aral siya ng kolehiyo sa Thames International sa Libis, Lungsod Quezon. Dito ay kumuha siya ng kursong Mass Communications dahil pangarap niya rin ang maging isang manunulat.

Sa Syobis

Simula

Kasalukuyan siyang nanalo bilang Little Miss SM nang may isang talent scout (tagahanap ng talento) na nag-alok sa kanyang lumabas sa mga patalastas. Ngunit bago pa man siya makapagsimulang makagawa ng patalastas sa mga dyaryo o sa telebisyon, sinabi sa kanila na lalabas na agad siya sa pelikula.

Ang pelikulang iyon ay ang Antipolo Massacre (1993), na pinrodyus ng Golden Lion Films International aty pinagbibidahan nina Cesar Montano at Dawn Zulueta. Gumanap siya bilang anak ni Liezl Martinez. Sa pelikula, siya ay pinatay kasama ang ilan pang mga batang artista na gumanap naman bilang kapatid niya.

Kasikatan

Bukod sa pagkakaroon ng mgab pelikula sa kanyang pag-uumpisa, ay naging kabilang rin siya sa mga artista ng Talent Center sa ABS-CBN at napasama sa mga batang artista sa palabas na Ang TV. Mula rito ay kasabay siyang sumikat ng mga kasama niya sa palabas na ito na nagkaroon ng napakaraming proyekto, at ngayo'y kabilang sa mga hinahangaang aktres sa Pilipinas.

Kaarawan

Sa pagdiriwang ng kanyang ika-18 taong gulang at ganap na pagkadalaga, gumawa ang ABS-CBN, na halos nagpalaki na sa kanya sa mundo ng syobis, ang isang natatanging programa at selebrasyon. Pinamagatan itong Angel on Earth: Angelica's Debut na kung saan nakasama niya ang mga malalapit na tao sa kanya sa loob at labas ng syobis.

Mga Parangal

Bata pa lamang siya ay napansin na ang kanyang kahusayan sa pag-arte. Nagsimula ito sa pagganap niya bilang anak nina Maricel Soriano at Edu Manzano sa kanyang ikalawang pelikula, Separada. Dito ay nanalo siya ng Best Child Actress sa Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS) noong 1995.

Kasama niya muli si Maricel Soriano sa pelikulang pinagmulan naman ng pangalawa niyang karangalan sa parehong kategorya noong 1996 para naman sa pelikulang Ama, Ina, Anak mula naman sa Star Awards. At nang sumunod na taon, nakamit naman niya ang pagkilala ng Guillermo Mendoza Awards para sa Most Popular Child Actress.

Mga Palabas sa Telebisyon na Tinampukan

Mga Pelikulang Tinampukan

Mga Inendorsong Produkto

  • HerBench
  • Bench Body
  • Freeway
  • Skechers
  • George Bantolino of Salon De Orient
  • Borloloy
  • Teen Spirit Apparel
  • Silver Swan
  • Oseur' Beauty Product
  • Posh Pets of Barbie

Sanggunian

Panlabas na Kawing

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.


Panganiban Panganiban Panganiban