Angela Markado

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Umiinog ang pelikulang Angela Markado sa buhay ni Angela Delmar (Hilda Koronel) na kumakayod na weytres sa isang bar sa Maynila. Isang gabi, nakilala niya ang limang parokyano na nagkataong magkakasama sa gang. Ang naturang gang ay malimit pinaiinom ng droga ang kanilang kursunadang babae, gagahasain pagkaraan, saka ibubugaw sa ibang lalaki. Masikap si Angela at mapagmahal na anak sa kaniyang inang tisiko. Dumating ang sandaling sapilitan siyang dinampot, ginahasa, at pinagpasasaan ng limang lalaki. Tinatuan ng bawat lalaki ang likod ni Angela bago siya ipinagbili sa bahay-aliwan. Hindi nasiraan ng loob si Angela at tumakas, at nagkataong sinaklolohan siya ng isang mapagkalingang puta (Celia Rodriguez). Nang magbalik sa bahay si Angela'y natuklasan niyang namatay ang kaniyang ina, at ang kaniyang matalik na kaibigang babae ay nilapastangan din ng limang lalaki. Nagpatiwakal ang kaniyang kaibigan dahil sa labis na pighati. Isinumpa ni Angela na mula noon, ipaghihiganti niya ang kaniyang abang kalagayan at pagbabayarin nang malaki ang limang lalaking lumapastangan sa kaniyang puri at pagkatao.

Mga Nagsiganap

Direktor

Mga Parangal

  • Gawad Urian para sa Pinakamahusay na Sinematograpiya na ibinigay kay Conrado Baltazar
  • Golden Montgolfiere Award na ibinigay kay Lino Brocka bilang direktor ng pelikula

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.


Angela Markado Angela Markado Angela Markado Angela Markado Angela Markado