Angel Locsin

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search
Angel Locsin


Si Angelica Locsin Colmenares o mas sumikat sa tawag na Angel Locsin ay isa sa mga pinakamaganda at pinakasikat na batang aktres sa Pilipinas. Bukod sa pag-arte, siya rin ay isang modelo, prodyuser ng pelikula, taga-disenyo ng damit, nag-eendorso ng mga produkto at isa na ring negosyante.


Pinagmulan

Si Angel Locsin ay ipinanganak noong 23 Abril 1985 sa lalawigan ng Bulacan , kung saan din siya lumaki. Siya ang pangalawa sa tatlong magkakapatid. Naghiwalay ang kanyang mga magulang noong 14 na taong gulang pa lamang siya, at mula noon ay namuhay na siya kasama ang kanyang amang si Angelo Colmenares.

Pag-aaral

Nag-aral siya ng elementarya sa Bulacan kung saan din siya lumaki. Ngunit siya naman ay nag-aral ng hayskul sa Unibersidad ng Santo Tomas sa Lungsod Maynila. Taong 2007 nang siya ay nag-aral ng maiksing kurso sa pagdidisenyo ng mga damit sa London, United Kingdom.


Showbiz

Simula

Nagsimula ang kanyang karera sa showbiz noong makita siya ng isang talent scout (tagahanap ng talento) habang siya ay nasa SM sa Lungsod Quezon kasama ang kanyang kaibigan. Matapos nito ay sumubok na siya sa mga patalastas. Magiging bahagi dapat siya ng Star Circle Batch 9 sa ABS-CBN ngunit dahil ayaw pumayag ng kanyang ama na mag-artista na siya habang nag-aaral, hindi siya pumirma ng kontrata rito. Isang taon matapos nito, pumirma siya ng kontrata sa GMA.


Sa Telebisyon

Una siyang lumabas sa pangkabataang programang Click (1999), bilang si Charley, kung saan ipinareha siya kay Brian Revilla, at hindi nagtagal, kay Railey Valeroso.

Unti-unti siyang sumikat nang mapasama siya sa teleseryeng Ang Iibigin Ay Ikaw Pa Rin (2003) na pinagbibidahan nina Christopher de Leon, Richard Gomez, at Alice Dixson.

Taong 2004 nang tuluyan siyang sumikat bilang kapareha ni Richard Gutierrez sa Mulawin, na kung saan gumanap sila bilang mga kalahating tao, kalahating ibon. Ito ay naging matagumpay sa dami ng tumangkilik dito.


Darna

Lalo pa siyang sumikat nang sumubok siya at makuha ang karakter na Darna sa telefantasya ng GMA. Ito ang pagsasatelebisyon ng komiks ni Mars Ravelo. Ipinalabas ito noong 2005 at nakatambal niya si Dennis Trillo.

Dito rin siya nagsimulang imbitahan para mag-endorso ng iba't ibang produkto, gumanap sa mga pelikula, at sumali sa iba pang mga proyekto sa GMA na kanyang pagbibidahan.


Majika

Pagkatapos ng Darna, nagkasama silang muli ni Dennis Trillo sa panibagong telefantasya ng istasyon noong 2006. Ito ay ipinrodyus ng GMA. Naging matagumpay rin ito kung kaya naman nang mawalan ng kuryente at hindi ito napanood ng karamihan sa bansa, inulit itong muli nang matapos ang linggo. Ginanapan niya ang karakter ni Sabina, anak nina Ayesa at Garam.


Asian Treasures

Asian Treasures

Taong 2007 nang gumanap siya sa isang mapanghamong karakter sa palabas na ito kasama ang sikat na artistang si Robin Padilla. Ito ang kauna-unahang palabas sa Pilipinas na kinunan maging sa mga bansang Mongolia, Thailand at Tsina.

Sumikat ito nang husto, hindi lang dahil sa istorya kundi maging sa dalawang bida rito. Ang pagtatapos nito ay kinunan sa Pook ng Luneta. Ito na rin ang kanyang pinakahuling proyekto sa GMA.

Paglipat sa ABS-CBN

Ika-11 ng Agosto, taong 2007 nang siya ay tuluyang pumirma ng dalwang taong kontrata sa ABS-CBN matapos umalis sa GMA.

Una siyang lumabas sa ASAp '07 kung saan siya ay binati ng mga artista sa ABS-CBN. Dito ay nagkaroon siya ng pagkakataong makasama kahit sa mga pag-awit ang mga makakatrabaho niya. Naglaro sin siya sa Deal or No Deal at lumabas sa Wowowee. Lumabas rin siya sa Maalaala Mo Kaya katambal si Sam Milby. Bukod dito'y bumisita rin siya sa iba pang mga programa ng istasyon.


Lobo

Sa umpisa ng taong 2008, ipinareha siya kay Piolo Pascual sa kauna-unahan nilang pagsasama sa teleserye, ang Lobo.

Dito ay gumanap siya bilang isang nilalang na kalahating tao at kalahating lobo. May mga kasama rin silang mga bigating artista katulad nina Robert Arevalo, Dante Rivero, at marami pa.

Sa Pelikula

Una siyang nakita sa pelikulang Ping Lacson, Supercop, Mano Po 2 at Kuya. Taong 2004 nang siya ay magkaroon ng pelikulang isa siya sa mga bida, ito ay ang Singles kasama sina Ara Mina at Aubrey Miles na pinrodyus ng Regal Films. Simula noon ay naging madalas na siyang kasama sa iba pang mga pelikula ng Regal, kabilang na ang Sigaw. Noong 2005, siya ay gumawa ng pelikula para sa Araw ng mga Puso kasama si Richard Gutierrez sa ilalim naman ng GMA Films na pinamagatang Let the Love Begin. Matapos noon ay gumanap uli siya bilang Alwina sa pelikulang Mulawin: The Movie.

Taong 2006 nang magkaroon muli sila ni Richard Gutierrez, ang I Will Always Love You na kumita sa takilya nang mas malaki pa kaysa sa huli nilang pelikula. Noong taonh ding iyon, pinangunahan niya ang pelikulang TXT at gumawa pa siya ng Mano Po 5 na inilaban sa Metro Manila Film Festival. Sumunod nito ay ginawa na muli siya ng pelikula kasama si Richard Gutierrez, ang the Promise. Ito na ang pinakahuli nilang pagsasama.

Nagprodyus din siya ng sarili niyang pelikula, ang Angels. Ito ay mayroong tatlong kuwento na pinagbibidahan ng iba't ibang artista, kabilang na siya. Taong 2007 nang siya ay pumirma ng kontrata sa Star Cinema para doon naman gumawa ng mga pelikula.


Sa mga Patalastas

Si Angel Locsin ang isa sa mga may pinakamaraming ineendorsong produkto. Nakatulong rin sa kanyang pagsikat ang paglabas niya sa patalastas ng Axe, na naging kontrobersyal rin.

Magmula noon ay nagkaroon pa siya ng hindi mabilang na mga produktong ineendorso at minomodelo.

Bukod sa mga produkto, nag-endorso rin siya ng mga kandidato noong nakaraang eleksyon ng taong 2007. Kinuha siya ni Sen. Manny Villar at Koko Pimentel, at maging ng Gabriela Partylist.

Dahil sa dami ng kanyang mga ineendorso, pumangatlo siya sa bilang ng mga pinakamadalas kunin bilang taga-endorso ng mga produkto sa Pilipinas.


Sa mga Magasin

Bukod sa mga patalastas, paborito rin siyang kunin bilang modelo sa mga magasin. Taong 2003 nang magsimula siyang magpose sa FHM magasin sa Pilipinas at dalawang beses naman noong taong 2005, parehong taon nang siya ay manguna sa listahan bilang pinakamaalindog na babae sa Pilipinas.

Pinarangalan din siya ng FHM Philippines noong 2006 at 2007 bilang pangalawang pinakamaalindog na Pilipina, sumunod kay Katrina Halili.

Ang pinakahuli niyang pagpopose ay sa Cosmopolitan magasin ng Pilipinas kung saan ang sinuot niya ay damit panglangoy. Ang sumunod naman ay sa Manual magasin. Naging regular na rin siya sa iba pang mga magasin katulad ng Sense & Style, Chalk, Yes, Mega, Preview, Metro, at Starstudio.

Mga Palabas sa Telebisyon na Tinampukan


Mga Pelikulang Tinampukan


Mga Parangal

  • Princess of Philippine Movies - 2008 38th Box Office Entertainment Awards
  • Most Beautiful Woman in the Philippines - 2008 Yes Magazine Survey
  • 2008 Google Most Search Personality (Female Actress) (Rank #1)
  • Most Admired TV Personality (ika-5) - 2007 Anak TV Seal Awards
  • Most Famous and Most Effective Endorser (ika-3) - 2007 Philippine Advertisers
  • Sexiest Women in the Philippines (ika-3) - 2007 FHM Philippines
  • Pinoy Wannabe - 2007 Nickelodeon Kids Choice Award
  • Sexiest Women in the Philippines (ika-2) - 2006 FHM Philippines
  • German Moreno Youth Award - 2005 FAMAS Awards
  • Miss FAMAS Popularity - 2005 FAMAS Awards
  • Princess of Philippine Movies and TV - 2005 Box Office Entertainment Awards
  • The Sexiest Woman in the Philippines (una) - 2005 FHM Philippines
  • Sexiest Women in the Philippines (ika-6) - 2004 FHM Philippines
  • Sexiest Women in the Philippines (ika-10) - 2003 FHM Philippines


Mga Inendorsong Produkto

  • Avon
  • Jag Skinny Jeans
  • Timex Watches
  • Centrum
  • San Mig Coffee
  • Magnolia Health Tea
  • Head & Shoulders
  • McDonalds Summer Colors of Love
  • Calayan
  • W.L Foods
  • AB Spire Notebooks
  • Priston Netplay
  • Belo Medical Group
  • Converse Shoes
  • Lotus Ballpen
  • Robitussin
  • Hapee Toothpaste
  • Axe
  • Coca Cola
  • Century Tuna
  • Cream-O
  • Animax Initial 3D
  • Greenwich
  • Maxipeel
  • CD Jeans
  • Globe Telecom
  • Petit Monde
  • Johnson & Johnson's
  • Ricky Reyes salon


Sanggunian


Panlabas na Kawing

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.