Ang mga Magsasakang Pilipino

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Bumalik si Jose Rizal sa Pilipinas noong 1887 matapos malimbag ang kaniyang nobelang Noli Me Tangere. Sa panahong iyon, binabantayan na siya ng mga Espanyol dahil sa nilalaman ng kaniyang nobela. Noong Disyembre 1887, nagtanong ang mga Espanyol sa mga magsasaka sa lupain ng mga Dominikano sa Calamba tungkol sa kanilang pagbabayad ng upa. Sa tulong ni Rizal, nagpadala ng isang petisyon sa mga awtoridad ang mga magsasaka ng Calamba noong Enero 1888, kung saan nila kinuwestiyon ang pagmamay-ari ng mga Dominikano sa lupaing kanilang sinasaka. Noong Pebrero 1888, tumangging magbayad ng upa ang mga magsasaka.

Matapos ang isang taon, dumulog ang mga Dominikano sa korte sa Calamba ngunit natalo sila sa kaso. Dahil dito, dinala nila ang kaso sa korte sa Santa Cruz at dito nanalo sila sa kaso. Ipinag-utos ng korte sa mga magsasaka na umalis sa kanilang mga lupain. Nang tumanggi ang mga ito, sapilitang pinalayas ng nasa 50 sundalo ang mga magsasaka.

Matapos ang ilang buwan, nagsibalikan ang mga magsasaka, hanggang sa ipinag-utos ni Gobernador-Heneral Valeriano Wyler noong 1891 ang pagpapatapon sa Mindoro ng 25 indibidwal, kabilang ang kapatid ni Rizal na si Paciano, at ang kaniyang mga bayaw.

Mga Sanggunian

Ocampo, Ambeth. "Rizal's agrarian dispute" Inquirer.net

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.