Ang Mga Anak Dalita

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang Mga Anak Dalita ay isang patulang nobela na isinulat ni Patricio Mariano at inilathala noong 1911. Isinasalaysay dito ang buhay ng isang babae at ang kanyang mga pinagdaanan sa kawalang hustisya ng isang kapitalistang lipunan.

Buod

Dahil sa kahirapan, nakaranas ng matinding pagkagutom sina Teta at ang kanyang inang si Ata. Nang dalawin sila ni Pedro, nobyo ni Teta, pinag-usapan nila ang mga isyu ng manggagawa laban sa kapitalismo. Ganid ang among pinapasukang pagawaan ni Teta. Bukod pa rito, may pagnanasa rin siya kay Teta at muntik na siyang gahasain. Nakatakas si Teta nang hindi alam na ililigtas niya rin ang amo mula sa mga galit na manggagawang gusto siyang patayin. Mapag-aalaman sa dulo na ang may-ari pala ng pagawaan ay ama ni Teta.

Mga Tala

Sa nobela, inilalahad ni Ata ang kwento ng isang babaeng si Mutya na nabiktima ng dalawang lalaking sina Dulong at Limatik. Isa itong talinghaga sa kasaysayan ng Pilipinas na nag-uugat sa mga sakit ng lipunan at kawalang-hustisyang nararanasan ng mga mamamayan dahil sa pananakop ng mga Kastila at ng mga Amerikano.

Saligang Sosyohistorikal

Noong Panahon ng Amerikano, naranasan ang malaking pagbabago sa ekonomiya at takbo ng pamumuhay sa Pilipinas mula sa pagkakaroon ng ekonomiyang agrikultural hanggang maging industriyalisado at kapitalista ang bansa. Nagkaroon ng mga pagawaan na inabuso ang murang halaga ng bayad-paggawa sa masa.

Panlabas na Kawing

Sanggunian

  • Mariano, Patricio . Ang mga Anak Dalita. Manila, Philippines: Limbagan at Aklatan ni I.R. Morales, 1911. (Hinango noong 11 Pebrero 2013)

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.

Ang mga Anak Dalita Ang mga Anak Dalita Ang mga Anak Dalita