Ang Kiukok

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si Ang Kiukok (Davao, 1 March 1931-9 May 2005) ay isang Pilipinong modernong pintor na kilala para sa kanyang mga dibuho na may mga nakakatakot at nakakaistorbong imahen sa estilong cubist at expressionist. Noong 2001, itinuring siyang Pambansang Alagad ng Sining.

Ipinanganak si Ang sa Lungsod Davao. Nagmula sa Tsina ang kanyang mga magulang, sina Vicente Ang at Chin Lim, kaya unang sinusulat niya ang kanyang apelyido.

Nag-aral siya ng pagpipinta sa estilong Tsino habang nasa murang edad pa siya. Nag-aral siya ng pagpipinta sa Unibersidad ng Santo Tomas noong 1952 hanggang 1954. Ilan sa kaniyang mga guro ay ang mga kilalang pintor at iskultor na sina Vicente S. Manansala, Victorio Edades, Carlos "Botong" Francisco, Galo B. Ocampo at ang Italyanong iskultor na si Francesco Monti.

Karera

Una siyang nag-eksibit ng one-man show sa Contemporary Arts Gallery noong 1954. Maramin siyang eksibit na sumunod. Noong 2000, ang Metropolitan Museum ng Manila ay nagkaroon ng retrospektibong eksibit ng kanyang mga dibuho, na ginawa pa lang nila para sa dalawa sa mga Pambansang Alagad ng Sining, si Fernando Amorsolo at Vicente S. Manansala. Namatay si Ang noong siya ay 74 na taon, dahil sa kanser ng prostate.

Ilan sa kanyang mga gawa

  • 1962 – Pieta, na nanalo ng medalyang tanso 1st International Art Exhibition sa Saigon
  • 1969 – Geometric Landscape
  • 1972 – Last Supper
  • 1974 – Cockfight
  • 1976 – Crucifixion
  • 1979 – Seated Figure, na ibinenta sa auction ng Sotheby, Singapore
  • 1987 – Mother and Child

Mga Gantimpala

  • 1961 – Outstanding Overseas Chinese in Art Award
  • 1976 – Outstanding Citizen, mula sa Lungsod Maynila
  • 1978 – UST Outstanding Alumnus Award
  • 1978 – Patnubay ng Sining at Kalinangan Award, mula sa Lungsod Maynila
  • 1980 – Mobil Art Award
  • 2002 – Jose Rizal Award for Excellence, mula sa Manila Times at sa Kaisa Foundation

Mga reperensya

  • Duldulao, Manuel. A Century of Realism in Philippine Art. Quezon City: Legacy Publishers, 1992.
  • Cultural Heritage