Andres de San Martin

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si Andrés de San Martín ang pangunahing piloto-cosmographer ng Armada de Molucca, ang eskuwadron na pinamahalaan ni Ferdinand Magellan noong inikot nila ni Elcano ang daigdig. Ito ang kauna-unahang naitalang pag-ikot sa mundo sa kasaysayan. Si San Martín ay isang matematiko at siyentista na dalubhasa sa nautical at astronomiya.

Katangi-tanging Piloto noong Renasimyento

Kaunti ang nalalaman sa buhay niya bago siya kinomisyon ni Haring Ferdinand bilang royal na piloto noong 1512. Ang kaniyang lahing Portuguese, French, at Espanyol ay natalakay, ngunit ayon sa datos ng kronistang si Antonio Pigafetta, si San Martín ay isang Latino na dalubhasa sa dagat at heograpiya. Ayon sa Chilean na historyador na si José Toribio Medina, na nagsulat ng talambuhay ni San Martín, ito marahil ay katangi-tangi dahil nagtataglay ng ekstraordinaryong parirala ang royal na dekreto na wala sa iba; inutusan siya ng hari na maghanda upang pagsilbihan sila sa dagat kagaya ng sa lupa.

Pambihirang Kaalaman sa Cosmography

Ang kaniyang kaalaman sa cosmography (astrology) ay pambihira. Kumpara sa iba noong Age of Discovery, higit ang kaniyang nalalaman sa kung paano maiuugnay ang agham ng astronomiya sa nabegasyon. Tiwala sa kaniyang natatanging kasanayan, siya ay nag-apply sa posisyon ng major na piloto ng Espanya pagkaraang mamatay ni Amerigo Vespucci noong 1512. Ngunit hindi siya tinanggap ng hari at itinalaga si Juan Díaz de Solís sa posisyon. Siya ay nag-apply muli nang mamatay si Solís noong 1518. Sa ikalawang pagkakataon, hindi siya tinanggap ng hari at itinalaga si Sebastian Cabot. Gayunman, tinaasan ng hari ang sahod ni San Martín at ginawang 10,000 maravedis bilang konsuwelo.

Hulyo 1519 nang siya ay naging piloto sa kautusan ng hari. Noong ika-31 Hulyo 1519, siya ay nakatanggap ng paunang bayad na 30,000 maravedis at 7,500 maravedis para sa cost-of-living allowance. Bilang piloto, sila ay inaasahang maging bihasa sa pag-apply ng kaalaman sa astronomiya sa nabegasyon. Ang Seville Contracting House, na namumuno sa pag-organisa sa mga misyong pagtuklas, ay mayroong mga technician at nabegador na dalubhasa sa cosmography at astronomiya.

Noong 1518, pinalitan niya si Rui Faleiro bilang piloto sa ekspidisyon ni Ferdinand Magellan nang ito ay nagpasiyang hindi sumama (ayon sa ibang tala, siya ay nagkaroon ng mental breakdown). Una siyang naglayag gamit ang San Antonio bago inilipat sa Victoria. Mayroon siyang diary sa nabegasyon kung saan niya inilarawan ang rutang kanilang sinunod. Nakasulat din dito ang posisyon ng mga araw at taas nito, bukod pa sa ibang bagay.

Siya ang unang siyentista na nakarating sa Argentina. Tinukoy niya ang tamang latitud at longhitud ng baybayin ng Argentina. Naging tanyag siyang cosmographer dahil sa paglalakbay na ito. Siya ay pinaniniwalaang namatay sa Labanan sa Mactan.

Hindi Mapantayan sa Loob ng 200 Taon

Ayon kay Tim Joyner na may akda ng librong Magellan, si San Martín ang pinakakilalang cosmographer sa eskuwadron. Walang nakahihigit sa kaniya, kahit pa si Magellan. Dalawang beses niyang nakuha sa pamamagitan ng astronomical na sukat ang tamang longhitud ng dalawang lugar, ang Port San Julian at Patagonia at ang Homonhon Island sa Pilipinas. Walang nakapantay sa kaniyang mga pagtataya sa loob ng dalawang daang taon.

Mga Dokumento sa Pangangalaga ni Ginés de Mafra

Ipinagkatiwala ni San Martín ang kaniyang mga nabegasyonal na dokumento at iba pang papeles kay Ginés de Mafra bago mag-ika-1 Mayo 1521. Ngunit ang mga ito ay sinamsam nang makarating sina de Mafra at iba pang bilanggo sa Lisbon noong Hulyo 1526. Dahil dito, pinaniniwalaang ang mga kuwento ni De Mafra ng kaniyang personal na pagkakasaksi ay mula lamang sa ginugunita niyang nabasa mula sa mga dokumento ni San Martín. Binalewala ng mga historyador ang kaniyang testimonya na mahalaga sa Panahon ng Pagtuklas sa heograpiya ng Pilipinas.

Higit na mahalaga ang salaysay ni De Mafra upang malutas ang isyu ng Mazaua landfall o mas kilala bilang kontrobersiya ng Unang Misa sa Pilipinas. Ayon sa paglalarawan ni De Mafra, ang Mazaua ay matatagpuan sa ibaba ng Limasawa, na unang pinangalanan bilang Dimasaua ni Fr. Francsico Colín, S.J. noong 1663, limang taon bago ito pinalitan bilang Limasaua o Limasawa ni Fr. Francisco Combés, S.J. noong 1667.

Mga Nawalang Dokumento

Batay sa Lisbon na artsibo, inilipat ang mga dokumento ni San Martín sa Madrid nang magsanib ang mga kaharian ng Iberia mula 1580 hanggang 1640. Ayon kay J. Denucé, ginamit ni Antonio de Herrera y Tordesillas ang mga kaalaman ni San Martín. Isa sa mga pangunahing obserbasyon ni San Martín tungkol sa pangyayari noong Marso-Abril 1521 sa Mazaua ang nananatiling natatanging nailathala mula ikaw-16 na siglo hanggang ika-19 na siglo na mayroong eksaktong pangalan ng isla. “Messana” o “Massana” ang nabanggit na pangalan ng isla sa ibang mga tala. Unang ginamit ang dalawang pangalang ito ni Maximilianus Transylvanus sa kaniyang ulat kay Cardinal Matthaus Lang, arsobispo ng Salzburg. Nailathala ang kaniyang balita at pinag-usapan sa Europa. Tuluyang nawala at hindi na mahanap ang mga dokumento ni San Martín.

Sanggunian

  • Mena García, María del Carmen (1997). “Pilotos reales en la Armada de Castilla del Oro (1514)”. In Justina Sarabia Viejo; Javier Ortiz de la Tabla Ducasse; Pablo E. Pérez-Mallaína; José Jesús Hernández Palomo (eds.). Entre Puebla de los Ángeles y Sevilla. Estudios Americanistas en homenaje al Dr. José Antonio Calderón Quijano. Sevilla: Escuela de Estudios Hispano-Americanos. pp. 41–60.
  • Bergreen, Laurence (2009). Over the Edge of the World: Magellan's Terrifying Circumnavigation of the Globe. Harper Collins.
  • “Biography of Andrés de San Martín”. The Biography. (Accessed on 13 February 2021).
  • “Andrés de San Martín”. Real Academia de la Historia. (Accessed on 13 February 2021).

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.