Andres Alcaraz

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si Andres Alcaraz ay ang ika-15 na naging gobernador-heneral ng Pilipinas noong panahon ng pananakop ng mga Espanyol. Siya ay naglingkod mula 19 Abril 1616 hanggang 8 Hunyo 1618. Siya ang pumalit kay Juan de Silva.

Pansamantalang Gobernador-Heneral

Si Alcaraz ay auditor licentiate ukol sa mga gawaing militar ng mga Espanyol at ang namuno sa mga tungkuling militar sa Pilipinas bago siya pansamantalang naging gobernador-heneral noong Abril 1616. Siya ay naatasan sa ilalim ng royal decree nang mamatay si Gobernador-Heneral Juan de Silva.

Sa ilalim ng pamamalakad ni Alcaraz, humiling siya na dagdagan ang kanilang hukbo upang magkaroon ng mga tauhan ang mga bagong barko laban sa eskuwadron ng mga Dutch.

Sa kaniyang termino rin nang ang ang eskwadron ng mga Dutch sa pamumuno ni Joris van Spilbergen ay gumawa ng blokeo sa Look ng Maynila, matapos silang matalo sa isang labanan sa Iloilo noong 30 Setyembre 1616. Hinarap ng armada (malaking pangkat ng mga barkong pandigma) ng mga Espanyol ang bloeko sa pangunguna ni Juan del Castillo.

Naganap naman ang Ikalawang Labanan sa Aplaya Honda noong 14 Abril 1617, at dito na umatras sa labanan ang mga Dutch.

Sanggunian

Carlos L. Quirino, ed. Maria Eloisa G. Pargo de Castro. “Governors-General of the Philippines.” Old Manila 2nd Edition, p. 290. Quezon City: Vibal Foundation, 2020.

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.