Anastomosis

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang anastomosis (mula sa Ingles na anastomosis [isahan] at anastomoses [maramihan]) ay ang pagsasanib ng mga sanga katulad ng sa sanga ng mga ilog, halaman, at ugat na daluyan ng dugo.

Sa larangan ng panggagamot o medisina, ito ang interkomunikasyon o pakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng paglipat ng dalawang daluyan o sisidlan ng dugo. Hinango ang salitang anastomosis mula sa Griyegong stoma na may literal na ibig sabihing "ginagamit ng bibig sa bibig". Sa larangan ng siruhiya, tumutukoy naman ito sa isang operasyon o pamamaraang nagdirikit-dikit ng mga ugat o organong dinadaanan ng mga sustansiya at katas sa loob ng katawan, o kaya sa isang pag-ooperang kinasasangkutan ng pagbubukas ng isang bahagi ng bituka patungo sa isa pang bituka na ginagawa kapag mayroong pamalagian o permanenteng bara, harang, o balakid sa likas na kahabaan ng bituka.

Pagkilala

Wikipedia.png Hinango sa Wikipedia ang nilalaman ng pahinang ito na nagmula sa Anastomosis. Ang talaan ng mga may-akda ay makikita sa pahina-kasaysayan. Kahalintulad ng Wikipedia, binibigyang-pahintulot ng WikiFilipino ang muling paggamit at pakikinabang sa mga nilalaman nito sa ilalim ng GNU Free Documentation License. Basahin ang kumpletong pagtatanggi/pagtatatwa.