Anaphylaxis

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang anaphylaxis ay isang allergic reaction na nagdudulot ng iba’t ibang sintomas sa buong katawan. Bagamat hindi ito nangyayari nang mas madalas gaya ng ibang allergic reaction, ito ay nakamamatay, dahilan upang dapat itong agarang pag-ukulan ng pansin. Ang mga taong may mga allergy ay may malaking posibilidad na makaranas ng anaphylaxis.

Sanhi

Ang isang indibdwal na nauna nang nagkaroon ng allergy sa gamot, pagkain, o kagat ng insekto ay maaaring magkaroon ng anaphylaxis. May ilang pagkakataon naman na ang unang exposure sa mga nasabing bagay ay nakapagdudulot ng nasabing allergic reaction. Ang allergy sanhi ng alikabok o balahibo ng hayop ay hindi nauuwi sa anaphylaxis.

Ang anaphylaxis ay walang pinipiling edad, kasarian, o estado sa buhay, bagamat ang mga variable na ito ay maaaring makaapekto sa exposure ng isang indibidwal sa mga allergen. Sa mga bata, mas madalas na food allergy ang sanhi ng anaphylaxis, samantalang drug allergy ang sa matatanda.

Sintomas

Ang mga karaniwang sintomas ay kinabibilangan ng pananakit ng tiyan, pagbabara ng ilong, pagsusuka, pagtatae, pagkahilo, kahirapan sa paghinga, pagbilis ng tibok ng puso, pamumula ng balat, pag-ubo, pagkakaroon ng hives, pangangati, kahirapan sa pagsasalita, pagkalito at labis na pag-aalala.

Ang anaphylaxis ay isang emergency case, at ang taong kinakikitaan ng anaphylactic reaction ay dapat agarang matingnan ng doktor.

Lunas

Ang pagturok ng epinephrine sa may tadyang ang itinuturing na pikamabisang paunang lunas dito. Mahalaga ito upang buksan ang daanan ng hangin. Matapos ang epinephrine, kadalasang binibigyan ang biktima ng antihistamine, corticosteroid, o ilan pang gamot upang bawasan ang epekto ng mga sintomas. Ang taong may mga allergy ay dapat palagiang magdala ng emergency o allergy kit upang mabigyan ng agarang lunas ang anaphylaxis.

Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.


Kategorya:Kalusugan