Anahaw

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Template:Speciesbox

Ang anahaw o luyong (Livistona rotundifolia) ay isang pabilog na dahon na palma[1] na matatagpuan sa Timog-Silangang Asya. Kasapi ito sa genus Livistona na tinatawag na Footstool palm sa Ingles. Pambansang dahon ito ng Pilipinas. Ang anahaw ay pinagkukunan ng matigas na kahoy na katulad ng ebony. Ginagamit ang kahoy nito sa paggawa ng mga tungkod at mga pantira ng mga pana.[2]

Karaniwang tanawin ang halaman na ito sa rehiyon. Tumutubo ito sa mga sub-tropikal na mga klima at mamasa-masang tropikal na lugar.

Ginagamit ang mga dahon sa kugon at pambalot ng pagkain. Nabawasan ang laki ng mga ligaw na mga halaman dahil sa sobrang pag-ani. Bagaman mabilis na tumubo ang mga dahon pagkatapos anihin ngunit nagiging maliit ito.

Sanggunian

  1. Marcial C. Amaro Jr.:Anahaw (PDF). Some Familiar Philippine Palms that Produce High Food Value and Tikog. Ecosystems Research and Development Bureau of the Philippine Department of Environment and Natural Resources (January-April 2010). Retrieved on 2013-04-01.
  2. English, Leo James. Diksyunaryong Tagalog-Ingles, Kongregasyon ng Kabanalbanalang Tagapag-ligtas, Maynila, ipinamamahagi ng National Book Store, may 1583 na mga dahon, ISBN 971910550X

Mga Panlabas na Kawing

Pagkilala

Wikipedia.png Hinango sa Wikipedia ang nilalaman ng pahinang ito na nagmula sa Anahaw. Ang talaan ng mga may-akda ay makikita sa pahina-kasaysayan. Kahalintulad ng Wikipedia, binibigyang-pahintulot ng WikiFilipino ang muling paggamit at pakikinabang sa mga nilalaman nito sa ilalim ng GNU Free Documentation License. Basahin ang kumpletong pagtatanggi/pagtatatwa.